Mariel Padilla, di napigilang maging emosyonal sa letter ng anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla

Mariel Padilla, di napigilang maging emosyonal sa letter ng anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla

- Sa isang guesting sa Magandang Buhay, di napigilan ni Mariel Padilla na maging emosyonal

- Ito ay matapos niyang mabasa ang sulat ng isa sa mga anak ni Robin Padilla na si Quuenie Padilla

- Nagpasalamat ito sa kanya dahil sa kabutihan niya sa kanilang pamilya

Na touch nang sobra si Mariel Rodriguez-Padilla sa surprise thank-you letter ni Queenie Padilla.

Nagpasalamat ang anak ni Robin kay Mariel sa kanyang pagiging “kind and thoughtful” at para sa kanyang “big heart.”

Binasa ni Mariel ang nasabing letter habang nasa guesting ng Magandang Buhay, noong June 27.

Binati siya nito sa kanyang pagbabalik telebisyon.

“Dear Tita Mariel, congratulations on your comeback.

"Thank you for being an inspiration to me and for all mothers.

Pinasalamatan din siya nito sa pagtatanggol ni Mariel sa kanilang pamilya.

"Thank you for bringing my family together and standing up for us when we need it.

"Thank you for supporting and promoting our startup business.

"Thank you for being kind and thoughtful.

"You have a big heart and you deserve all the happiness in the world.

"You are rainbow. Keep shining Tita!

"And never stop bringing colors into our lives and the life of others.

"Love, Queenie."

Agad nagpasalamat si Mariel sa letter at sinabing naapreciate nya iyon ng sobra.

"Thank you! Thank you! It means so much to me. Thank you!"

Ibinahagi niya kung bakit mahalaga para sa kanya ang letter na iyon.

“because what they think of me matters. It doesn’t matter kung anong iniisip sa akin ng ibang tao.

Pinangangalagaan niya umano ang magiging tingin sa kanya ng anak ng kanyang asawa dahil ayaw niyang isipin nilang nagkamali si Robin sa pagpili sa kanya.

“Kung akala nila maingay ako o maarte ako o ganyan…

“Pero when it comes to the children of Robin, ayoko na isipin nila na hindi mabuting tao o hindi maganda iyong napangasawa ng Papa nila kasi Papa nila iyon, e.

Gusto nila siyempre the best para doon sa Papa nila.

So it means so much to me na na-appreciate nila iyong kindness ko because it really comes from my heart.

Kagaya ng laging sinasabi nito, susuportahan niya ang mga anak ni Robin palagi.

“Like what I always say, I’m just here to support them. Sila, silang lahat.”

Pinasalamatan din niya ang dating asawa ni Robin at ang ina nina Ali, Queenie, Kylie, at Zhen-Zhen na si Liezl Siangco.

“I want to thank their mom.

"Kasi kung hindi niya rin nila pinalaki na gano'n iyong mga anak nila. Kasi kahit minsan, hindi sila nagpakita ng masama sa akin.

“That’s because of their mom.

“So, maraming, maraming salamat.”

Si Mariel ang asawa ni RObin Padilla sa kasalukuyan. Matatandaang nagpahinga siya mula sa showbiz dahil sa maselan na pagbubuntis sa anak nila na si Isabella. Matapos ang dalawang taon ay bumalik siya sa It's SHowtime.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel