Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman

Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman

- Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Coco Martin patungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman

- Nabulabog at pinagkaguluhan kasi ang video at photos ng nasabing 'kiss' na naganap sa dalawa

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ng photos at video ng "kiss" na naganap kanila Coco Martin at Yassi Pressman, kumalat ang spekulasyon na may namamagitan sa dalawa.

Nalaman ng KAMI na sa unang pagkakataon ay nagbigay na ng pahayag si Coco patungkol dito.

Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman

Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman (Photo: Bandera)

Ayon sa report ng ABS-CBN, tinanong ang aktor sa press conference ng ine-endorse niyang brand ng Sardines at ito ang naging sagot niya, "Hindi naman kiss iyon, beso-beso lang iyon."

Natural lang daw na magbatian sila ni Yassi sa set ng 'Ang Probinsyano.' Nagpapasalamat din siya sa mga sumusuporta sa kanilang tambalan.

"Nakakataba ng puso kasi siguro tinatangkilik nila iyong 'Ang Probinsyano,' iyong tambalan namin ni Yassi. Nakaka-proud kasi nagugustuhan nila."

Ito rin daw ang patunay na hindi lang puro action ang nasabing series at may hugot din itong pang-comedy at romance.

"Ito iyong chance para maipakita namin na hindi puro aksyon, hindi puro drama, na kapag romance, romance. Kapag comedy, comedy.

"Gusto namin ipakita iyong tamang proseso kung paano sila magkakabalikan, o mahuhulog ulit iyong isa't-isa."

Watch the video below:

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga tao sa pahayag ni Coco. May mga pumalag at sinasabing malabong "beso" lang ang naganap.

May mga netizens din naman na naniniwalang beso lang talaga at walang malisya ang naganap na "kiss" kanila Coco at Yassi.

Read some of the comments from netizens below:

"Beso Beso? Sa LIPS at may hawak pa sa leeg? Naman..."

"a kiss is still a kiss! action speaks volume!"

"kiss or beso wala namang inamin si coco na taken na siya... ever. so i guess it’s okay!"

"Si Yassi naman kasi kung makahawak sa mukha ni coco parang hahalikan buong mukha. Yun pala beso lang"

"Ay hoping pa naman ako na may malisya yung kiss/beso-beso na yun. Hindi ako Cocoyass, gusto ko lang na matauhan na si Julia"

"O ano ngayon, asan na yung wagas maka-claim na Cocoyass is real?"

"Boom basag ang mga ilusyunadang fans ng cocoyass"

Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman

Coco Martin, nagsalita na tungkol sa 'viral kiss' nila ni Yassi Pressman (Photo: Neric Beltran via PEP)

Sina Coco Martin at Yassi Pressman ay mapapanood sa drama series ng ABS-CBN na 'Ang Probinsyano.' Ginaganapan nila ang role nina Cardo at Alyana. CocoYass naman ang tawag sa kanila ng kanilang mga fans.

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Aminado siya! Mariel Rodriguez, may pinagselosan na aktres sa morning show

Aminado siya! Mariel Rodriguez, may pinagselosan na aktres sa morning show

Aminado siya! Mariel Rodriguez, may pinagselosan na aktres sa morning show
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel