Kauna-unahang transgender woman na 'magna cumlaude' ng PUP, biktima daw ng matinding pambubully
- Si Ianne Gamboa ang kauna-unahang transgender woman na nagtapos bilang magna-cumlaude ng Polytechnic University of the Philippines
- Sa edad palang na 3 taong gulang ay kinakitaan na agad ito ng mga kilos babae kaya naman mula noon ay tanggap na ng kanyang pamilya kung anuman ang kanyang kasarian
- Bagaman at naging matagumpay siya sa kanyang pag-aaral, biktima rin daw si Ianne ng matinding pambubully
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kabila ng tagumpay bilang 'magna cumlaude' ng Polytechnic University of the Philippines, marami talagang matinding pagsubok na pinagdaanan si Iaane Gamboa.
Nalaman ng KAMI na si Ianne ang kauna-unahang transgender woman na nagtapos sa PUP ng may ganitong karangalan.
Ayon pa sa panayam kay Ianne ng programang Tunay na Buhay, bata pa lang siya ramdam na niya na isa siyang 'babae' na nasa katawan ng isang lalaki.
Sa edad na 3 taong gulang, pansin na ng kanyang mga magulang ang kakaibang kinikilos nito na tila hindi gawain ng isang batang lalaki.
Kwento pa nga ng kanyang ina, pag sila daw ay namamalengke, madalas na ipabili ni Ianne noon ang mga laruang pambabae gaya ng manika at lutu-lutuan.
Ngunit hindi ito naging problema sa kanilang pamilya kahit pa ang tatay niya ay isang pulis. Gusto rin daw sana ng kanyang ama na maging pulis si Ianne ngunit di niya ito ipinilit sa anak. Sa halip, buong puso niyang tinanggap kung ano ang nararamdaman ni Ianne at sinuportahan na alang nila ito.
Ngunit kahit pa suportado siya ng mismong pamilya niya, may mga taong sadyang makikitid ang pag-iisip na di nauunawaan ang kanyang sitwasyon.
Minsan pa nga rawa na umuwi siyang luhaan dahil may nagbully sa kanya at naitulak pa siya. agad naman niya itong sinumbong sa kanyang ama.
Di rin naging madali kay Ianne ang kanyang pagbibinata. Dito di niya maiwasan ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa isang lalaki.
Kaya naman nagsimula na siyang uminom ng hormone pills para mapigilang kahit na paano ang pagbabagong panlalaki sa kanya.
Masasabing marami ring nagtangkang manligaw kay Ianne. Di naman mapagkakaila na maganda si Ianne, ngunit sa tuwing malalaman ng kanyang manliligawa na siya ay transgender, nagsisi-atrasan na sila.
Narito ang video ng panayam kay Ianne mula sa Youtube/Tunay na Buhay
Sa ngayon, hinihintay na lamang ni Ianne ang kanyang transcript of records nang sa gayon ay makapagtrabaho na siya at masuklian ang sakripisyo at suporta na binigay at patuloy na binibigay sa kanyan ng kanyang pamilya.
Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI youtube channel.
Source: KAMI.com.gh