Pinay OFWs sa Saudi pinakita ang panganib na hinaharap nila araw-araw sa kamay ng mga amo

Pinay OFWs sa Saudi pinakita ang panganib na hinaharap nila araw-araw sa kamay ng mga amo

- Dalawang OFW ibinahagi ang mga pinagdadaanan nila sa mga amo nila

- Kinunan nila ng video kung paano sila pinapaakyat sa bubong ng bahay upang linisin ito

- Makikita ring puro rehas ang mga bintana ng bahay na pinagtatrabahuan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakagulantang ang mga nangyayari sa mga OFW sa Middle East. Hindi alam ng marami pero sobra-sobra pala ang hirap a dinadanas nila doon.

Ibinahagi ni Aico Lovedah sa KAMI ang masaklap nilang sitwasyon sa Saudi.

Makikita sa video na inaakyat nila ang bubong ng bahay ng amo, gamit ang isang manipis na hagdan, kung saan isang maling hakbang ay puwedeng ikamatay.

Umaakyat sila dito bitbit ang hose upang linisin nila ang bahagi na ito ng bahay ng amo nila.

Sabi ni Aico, nagkaroon lang sila ng pagkakataon na kunan ng video dahil wala ang "madam" nila doon.

Eto ang buong salaysay ni Aico:

"Kinunan namin vedio dahil wala ang madam nmin.marami pang mga bintana sa baba d na nmin kinunan ng vedio kasi my mga CCTV.

Ohh anu mg a abroad PABA kayo dto sa middle East? Lalo pa ngayong marami ng inaabuso ng mga amo.yong iba nga pinapatay na

Akala nyo ha masarap buhay dto...

Kmi nga minsan para-paraan nlang para mawala ang gutom nmin.minsan tinatapon ng pagkain pinupulot nmin para my laman ang sikmuraminsan nadin kaming nag iiyakan ni ate Hope Abello Sotto dahil sa subrang pagud.pro wla kming mgawa patuloy prin sa hamon ng buhay dto.lilipas din to lakas loob LNG at pananalig sa kahitas-an.sya LNG my alam.

I'm proud to my self dahil days nlang uuwi na ako at mlapit kunang malalampasan ang hirap at pait ng buhay dto�

Thank you lord for always guide me at sa kasama ko.sana malampasan din nya ang lahat ng paghihirap dto.

Laban lang te hope.

Kaya ko,alam Kong kaya mo din.

Think positive palagi at kapit,manalig sa taas."

Si Aico ay 26-years-old galing GenSan at may anak na babae na 6-years-old.

Malapit nang makauwi si Aico sa Pinas at ang mensahe niya sa kanyang mga kababayan ay kapit lang.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang samu't saring protesta bago ang ikatlong SONA ni President Rodrigo Duterte

Ang samu't saring protesta bago ang ikatlong SONA ni President Rodrigo Duterte

Ang samu't saring protesta bago ang ikatlong SONA ni President Rodrigo Duterte
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel