Mga sikat na FHM cover girls at ang kanilang non-showbiz boyfriends

Mga sikat na FHM cover girls at ang kanilang non-showbiz boyfriends

- Sila ang mga sikat na cover girls ng FHM na pinag-usapan talaga at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami na ding mga lalaki ang nabighani sa kagandahan ng kanilang mga mukha at hubog ng katawan

- Pero sad news para sa inyo dahil ang inyong mga iniidolo na mga babae ay happy at in love na sa kanilang mga boyfriends na hindi taga showbiz.

- Naispatan namin ang balita sa Facebook page ng 'PEP,' at kami din ay nagulat na malaman kung sinu-sino ang kanilang mga non-showbiz boyfriends.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ito ang walong kilala at mga sikat nacover girls ng nasabing magazine at kanilang mga natataning pag-ibig sa labas ng glitz and glamour sa showbiz na naispatan ng KAMI.

8. Yam Concepcion and Miguel CuUnjieng

Sabi daw ni Yam sa 'PEP' na:

"Love at first sight kami noon, e, unang meeting namin.Nagkita na kami pero naudlot because he had to leave the Philippines to study, two years yun."

Pero ang long-distance relationship nila ay hindi naging hadlang sa kanilang pag-iibigan at ngayon 3 years strong na silang dalawa.

7. Valeen Montenegro and Selu Lozano

Sa kabila ng mga batikos laban sa aktres na si Valeen ay tila masayang masaya naman siya dahil kakacelebrate lang naman nila ng kanilang 8th anniversary bilang magsing-irog.

6. Rhian Ramos and Jason Choachuy

Sa isang interview ay sinabi ni Rhian kung bakit pinili niya ang makipagdate ng hindi taga showbiz.

At sinagot naman ito ng Kapuso aktres referring to her Filipino-Chinese businessman/racing champion na boyfriend:

“Bilib na bilib ako sa kanya kasi napaka-secure niya sa sarili niya."

Dagdag pa niya:

“Kasi, I think siguro for someone na non-showbiz, you really have to find someone na secure. Kasi kapag lumalabas kayo, marami lumalapit sa ‘yo. Kapag hindi secure ang partner mo dun, kung na-bother siya dun. Kasi minsan, kapag may nagpapa-picture, aakbayan ka kaagad or hihilahin ka or whatever. Kung hindi secure yung partner ko, baka pipitik yun, di ba?”

5. Lovi Poe and Chris Johnson

Hindi lang daw nahanap ni Lovi Poe kay Chris ang true love kung hindi pati ang pagiging travel buddy rin.

Makikita naman ito sa kanilang mga Instagram posts.

Sambit pa ni Lovi sa isa sa kanyang Instagram posts:

“Glad to have met someone who pulls me out of my routine-like life and shows me that there's a whole beautiful world out there. Looking forward to downing more Mango margaritas in every new sunset we see."

4. Kris Bernal and Perry Choi

Ang boyfriend pala ngayon ni Kris na si chef Perry ang nagbigay inspirasyon sa aktres na magkaroon ng sariling food business at ito nga ang 'Meat Kris.'

Sabi naman umano ni Kris:

“Hindi naman ako nakikipag-relationship din ng hindi long-term, eh."

3. Kim Domingo and Michael Acuña

Nagkita daw sialng dalawa sa isang event kung saan hiningi daw ni Michael kay Kim kung pwede ba daw silang magpapicture.

At binahagi daw ito ng nasabing former PBA player ang tungkol dito sa isang post:

“Naaalala ko yung time na nagkita tayo dati, nagpapicture lang ako sayo kasi crush kita eh at fan mo lang ako. Hanggang sa dumating yung time na nangarap ako na ligawan ka kahit hindi ko alam mangyayari."

Dagdag pa ni Michael:

“May halong kaba at kilig at saya nung sinabe ko sayo yun, hanggang sa eto na nakamit ko yung matamis mong OO. Mula nun, akala ko araw araw akong nananaginip ng nakatawa at masaya hindi nawawala yung kilig at lagi kong inuulit sa sarile ko GIRLFRIEND KO NA BA TALAGA SYA?”

Naging sila since June 2016.

2. Arny Ross and Franklin Banogon

Ayon pa sa boyfriend ni Arny noong 10th anniversary nila:

“Hindi ko siya pinapabayaan. Hindi ko siya kinakalimutan. I just make sure napapasaya ko siya lagi. Nabibigyan ko siya ng time, pinaparamdam ko na hindi ako malayo na anytime she needs me, nandito ako.”

Dagdag pa niya:

“Pag may problema, open kami. I just make sure nalalaman ko and binibigyan ko siya ng advice and comfort. A shoulder to cry on and lean on. A hug, a tap on the back. Yung effort kailangan consistent. Para makita ko siya babyahe ako ng Pasig to Dasma kahit gabing gabi o madaling araw na. Kahit pagod pa. Kailangan yun. Part yun e. Time kasi, essential.”

1. Angel Locsin and Neil Arce

Kaibigan daw sila ng pitong taon bago pa man sila naging magboyfriend at girlfriend.

Noong October daw sila nag-umpisa magdate at naging official na sila noong February ng 2018.

Nang tinanong daw si Angel Locsin tungkol sa kanilang relasyon ang sagot niya ay para lang daw silang magbarkada at dagdag pa niya:

“I'm just happy na nandiyan siya sa tabi ko.”

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel