Top 6 reel at real love teams na napasali sa '100 Most Beautiful Stars 2018'

Top 6 reel at real love teams na napasali sa '100 Most Beautiful Stars 2018'

- Sa annual na '100 Most Beautiful Stars' ng 'Yes!' magazine ay nagpalabas na ito ng anim na mga reel at real love teams na nagpakilig at nagbigay good vibes sa mga puso ng mga Pilipino

- Ito ang mga top 6 na magkapareha na nakikita sa Kapuso at Kapamilya network na talaga namang pinagkakaguluhan ng mga followers nila

- Ngayon, kilalanin nating kung sinu-sino ang top 6 reel at real love teams na napasali sa listahan ng Yes! 100 Most Beautiful Stars 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Parte na ng bawat henerasyon ang love teams na nakakapagtipon ng mga tapat na tagahanga na hahangaan sila, bubuhusan sila ng maraming mga regalo, at makikipaglaban para sa kanila sa mga away sa social media.

Sa panahon ngayon ang mga love teams ay pwedeng dumating at mawala din kaya naman nararapat din naman na bigyan ng maraming palakpakan ang mga love teams na ito na nanatiling matatag.

Ito ang anim sa naispatan ng KAMI sa nasabing listahan.

6. McCoy de Leon and Elisse Joson (McLisse)

Ang kanilang magandang chemistry ay nakita sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house sa lucky 7 season ng nasabing reality TV show.

Isang eye-to-eye contact lang ay talagang kikiligin na ang mga fans at magtitweet at retweet na sila sa kilig moment.

5. MayWard (Maymay Entrata and Edward Barber)

Dalawa din sa mga graduates sa bahay ni Kuya ay sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Si Maymay ang big winner at dahil sa nakakaaliw nilang good vibes pagsila ay kasama talaga namang lumubo ang kanilang mga followers.

4. ElNella (Elmo Magalona and Janella Salvador)

Isa sa mga pinansin ng mga followers nila ayon pa sa 'PEP,' ay ang pagtatrabaho nilang maagi para lang isurprise ang isa't isa sa mga special occasions kagaya ng birthdays at nakakakilig naman talaga.

3. BiGuel (Bianca Umali and Miguel Tanfelix)

Sila lang naman ang napasali na Kapuso network sa listahan na nakita namin sa 'Philippine Entertainment Portal' website.

Ang mga bida ng 'Kambal Karibal' na talaga namang nagpapakilig sa kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang sweetness at earnestness na makatrabaho ang isa't-isa.

2. JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto)

Sa mga mahigit kalahating milyon na mga likes sa kanilang mga posts at ngayon ay nareleased na ang trailer ng movie nila with Kris Aquino na 'I Love You, Hater' na siguradong blockbuster din kagaya ng una nilang pelikula.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

1. JaDine (James Reid and Nadine Lustre)

Ang reel love team na naging real at lalong nagpakilig ng husto sa kanilang mga fans nang umamin sila na nga noong 2016.

At hindi maidedeny na sila lang naman ang isa sa mga love teams na napakasikat talaga.

Sino pa sa ibang mga love teams ang gusto niyong mapasama?

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel