Scarlet Snow Belo, naka-all-red ootd sa kanyang pagbabalik eskwela, napakacute!

Scarlet Snow Belo, naka-all-red ootd sa kanyang pagbabalik eskwela, napakacute!

- Wala pang isang araw simula na ipost ito sa Instagram page ng napakasikat na anak nina Vicki Belo at Hayden Kho ay umani na ito ng mahigit kalahating milyon na views at napakaraming comments

- Kaya naman ay naispatan din ito ng mga followers at fans ni Scarlet at shinare din sa YouTube kung saan namin nakita una ang video

- Balik eskwela na nga si Scarlet Snow Belo at napakacute ng school ootd niya at may simpleng pabaon pa ang daddy niyang si Hayden Kho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa nasabing video na nakita ng KAMI ay paalis na ng bahay papuntang school na ang anak nina Doktora Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo ng tinawag ito dahil may pahabol na pabaon ang daddy nito.

Naka all red si Scarlet at talagang napakacute na bata at kakagigil.

Tila isang impromptu commercial din ang nangyari dahil ang pabaon na bigay ng daddy nito ay isang pack ng Red Ribbon foodies na alam naman ng lahat na endorsers din sila.

At ang cute ni Scarlet na nakipag-usap sa daddy niya habang iniisip kung sino ang bibigyan niya sa baon niya.

Nagcount pa siya kung ilan ang dadalhin niya at kung sino ang dadalhin niya at talaga namang manggigil ka sa ka-cute-tan niya.

Dahil sa ka-cute-tan ay hindi nakapagpigil na magcomment ang mga fans nito:

"Too cute! Muhka kang mamon huhuhu kagigil"
"very cute naman ang school girl na eto (emoji) nakakawala ng stress si"
"Wow so cute talaga pampagoodvibes"
"Galing! Galing naman ni baby girl scarlet, sya pa naglagay ng baon nya sa school bag nya! Ang bilis nyang natutu ..yan ang bata!!!"
"Just amazed by how independent this baby girl @scarletsnowbelo is— see how she puts the mamon (s) on her bag by herself and not let her yaya or dad do it(emoji) and you’re only 3 right? Good job!"

Si Scarlet Snow Belo ay ang napakapretty at smart na anak nina Vicki Belo at Hayden Kho na kamakailan lang ay nagkaroon ng napakabonggang kasal sa Paris.

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel