OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng alagang hayop sa loob lamang ng isang taong pag-a-abroad

OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng alagang hayop sa loob lamang ng isang taong pag-a-abroad

- Sinuwerte si Noemi Rafales na kababayan nating OFW dahil sa mabilis na nakapundar para sa kanyang pamilya

- Sa loob lamang ng halos isang taon, nakapag-pagawa na siya ng kanilang bahay at nakabili na siya ng mga alagang kambing na ilang buwan lamang ay nanganak pa ito

- Laking pasalamat talaga ni Noemi sa mga biyayang di niya inaasahan na ganoon kabilis babalik sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng napakaraming masasaklap na kwento ng ating mga kababayang OFW tungkol sa mga karanasan nila abroad, mayroon pa rin namang sinuwerte at sa maiksing panahon ay nagbunga agad ang kanilang pagsasakripisyo.

Gaya na lamang ni Noemi Rafales na isang OFW sa Riyadh. Nakakatuwang isipin na sa loob lamang ng halos isang taon ay mabilis na nakapag-pundar na siya sa kanyang pamilya.

Sa kanyang sipag, tiyaga, at diskarte sa buhay, Nakapagpagawa na siya ng kanilang bahay at nakabili na ito ng alagaing hayop.

Narito ang kwento ni Noemi na binahagi niya sa KAMI.

OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng alagang hayop sa loob lamang ng isang taong pag-a-abroad

source: supplied

Magandang araw po mga ka bisig.. kay kuya pio at sa mga admin..mag share lng po ako ng magandang bleesing na ngyari sakin dto sa riyadh.. June 26 2017.. nung umalis ako ng pinas dala ko ang pangako ko sa mga anak ko na bago ako mag isang tao dto ay ipapagawa ko ung bahay nmin.. sa tulong ng may kapal at pananalig ko sa knya hindi ko nabigo ang mga anak ko.. march 2017 nasimulan ung bahay ko...

OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng alagang hayop sa loob lamang ng isang taong pag-a-abroad

source: supplied

Hindi p nmn tapos lahat kc wala pang bintana flooring at palitada ang mahalaga tumupad ako sa pangako ko sakanila at hindi ko cla n binigo..May 2018 nakatayo n ung buong bahay kitang kita kona din ung bunga ng sakripisyo ko dto sa riyadh. october 2017 nakabili din ako ng 5 kambing 4 na babae at isang lalaki,,

OFW, nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng alagang hayop sa loob lamang ng isang taong pag-a-abroad

source: supplied

Ngaun buwan ng june 2018 umanak n lahat ung 4 na inahin.. kya sobra aking nagpapasalamat sa my kapal sa lhat ng bleesing n natangap nmin... kya kayo kung ano man ung pangarap nyo ituloy nyo lng wag kayong mawawalan ng loob hangat nadto kayo sa abroad at kumikita samantalahin nyo ang mag ipon para sa katuparan ng mga pangarap nyo. Salamat poh at god bless po sating lahat...

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW, nakapagpatayo ng negosyo niyang pinangarap lamang noong bata pa siya

OFW, nakapagpatayo ng negosyo niyang pinangarap lamang noong bata pa siya

OFW, nakapagpatayo ng negosyo niyang pinangarap lamang noong bata pa siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel