Nagreact si Robin Padilla sa napapabalitang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

Nagreact si Robin Padilla sa napapabalitang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

- Kasama ni Robin Padilla ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa morning TV series na 'Sana Dalawa Ang Puso' sa ABS-CBN.

- Dahil dito ay tinanong ang aktor sa kanyang reaksyon tungkol sa napapabalitang hiwalayan ng kasamahan niyang si Jodi at boyfriend nitong si Jolo.

- Napatanong din si Binoy tungkol sa tanong dahil hindi naman daw niya nakikita ang aktres sa set na malungkot tugon sa mga tanong sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan nga ay may lumabas na isyu tungkol sa magkasintahan na sina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla.

Ayon pa sa mga haka-haka at ispikulasyon na diumano'y nagkahiwalay na ang dalawa dahil na rin sa mga tweets ni Jolo at pag-iwas sa tanong ng press ni Jodi.

At dahil magkatrabaho sina Jodi at Binoy ay hindi naiwasan ng mga reporters na tanunging ang aktor tungkol dito.

Ayon pa sa 'Push,' tinanong daw nila si Robin kung malungkot ba si Jodi Sta. Maria sa set ng kanilang teleserye.

Mabilis naman din na sinagot ng aktor na hindi.

Dagdag pa nga ni Binoy:

“Ako nga ang nagtanong niya, ‘Totoo ba yan, may nangyari bang ganyan?’ Kasi wala naman akong naramdaman sa set na may problema. Si Jodi kasi laging may joke yon, eh."

At dahil nga ay personal ay ayaw ni Robin na magtanong kay Jodi tungkol sa mga balita.

“Hindi ko siya tinatanong sa ganyan kasi masyadong personal yan. Kay Patricia (kasama ni Jodi) ko lang tinanong, ‘Ano ba yon, totoo ba yang hiwalayan na yan. Ganun lang, kasi malaking balita. Wala naman akong nakikitang nagkaproblema kami.”

Dahil na din sa sagot ni Robin ay natanong siya kung ano ba daw ang tugon ni Patricia at ang sagot ng akto ay ngit lang.

“Ngiti lang. Kapag nginitian ka ng tao, ibig sabihin non, ayaw niyang magsalita."

Nagpatuloy pa ang aktor sa pagbahagi:

“Eh, wala naman kaming nakitang ganun kay Jodi para kami mag-panic lahat. Siguro, ano na rin si Jodi. Hindi na rin siya bata. Alam na din niyang i-handle yung mga ganyan."

Dugtong pa ni Binoy na pambata lang daw ang dinidbidb ang mga isyung pag-ibig pero naiintriga din ang aktor kaya binalik niya ang tanong sa source media outlet.

“Kasi pambata lang yung dinidibdib yung mga ganyan… Pero ano ba, totoo ba talaga yan?”

Ayon pa sa kanya, iba't iba umano ang mga paraan ng mga tao sa paghihiwalay pero dapat daw ay matutunan na kahit sino man ang mag-move-on pagkatapos nito.

“Alam mo, ang buhay ng tao kanya-kanyang istorya yan. May taong naghihiwalay ng maganda. Hindi natin alam kung anong klaseng paghihiwalay nila, kung ano man yon."

Pagtatapos na pabiro pa na pahayag ng aktor:

“Basta ako, move on na lang. Kahit na sinong tao, hindi lang si Jodi. Ang pag-ibig, eh, ano yan, isang bagay na masarap dapat. Pag ang pag-ibig ay medyo malungkot na, kumain ka na lang ng tuna."

Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad boy of Philippine cinema”.

Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist. Tinatawag din siyang“The prince of the Philippine Action Movies”.

Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Roben sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Mayroon na silang isang anak, si Isabella na ipinanganak noong Nobyembre 14, 2016.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Wathc more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel