Pinasilip nina Chito Miranda at Neri Naig ang pagpapatayuan ng kanilang dream house

Pinasilip nina Chito Miranda at Neri Naig ang pagpapatayuan ng kanilang dream house

- Kung ang akala ng lahat na ang bahay na pinapakita ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang mga Instagram posts ay ang kanilang dream house na ay nagkakamali kayo.

- Dahil kamakailan lang ay nagshare si Neri Naig ng isang Instagram video story ng isang bakanteng lote.

- Sa naturang video ay may sinulat na caption ang dating aktres na sinasabi na iyon daw ang lupa kung saan nila ipapatayo ang kanilang dream house.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasilip na nga ng mag-asawang Chiti Miranda at Neri Naig ang lupa ng pagtatayuan ng kanilang dream house.

Madaling naispatan ng 'Push' ang nasabing IG video story post ni Neri Naig at binahagi naman nila ito.

Napag-alaman ng KAMI na may ibang dream house pala ang mag-asawa na gusto at hindi ang malaking bahay na nakikita na natin sa kanilang mga posts sa social media.

Kaya naman masayang masaya ang mag-asawa lalo na ang misis ni Chito na si Neri dahila maisasakatuparan na nilang dalawa ang kanilang pangarap at inaasam-asam na tahanan.

At wala na talagang makakapigil sa kanilang dalawa na maabot ang kanilang mga pangarapa sa buhay lalo na ang kanilang dream house dahil mag-uumpisa na daw ito na ipapatayo.

Sa ilang taong pagsisikap at paghihirap sa trabaho ay sa waka makakamtan na din nila ang gusto nilang bahay.

Tingnan ang screenshot sa nasabing Instagram stories ni Neri.

Pinasilip nina Chito Miranda at Neri Naig ang pagpapatayuan ng kanilang dream house

Credit: Instagram/ Neri Miranda

Nagsimula si Neri Naig sa kanyang career sa pag-arte pagkatapos niyang sumali sa ‘Star Circle Quest,’ na isang reality television show ng ‘ABS-CBN’ na wala na ngayon, kung saan siya nagtapos bilang 6th placer.

Gumanap siya ng maraming mga acting roles sa mga kilalang primetime series sa telebisyon at pelikula bago pa man sya lumagay sa tahimik at tumutok sa kanyang negosyo

Kinasal si Neri Naig kay Chito Miranda noong 2014 at mayroon silang anak na lalaki na ang pangalan ay Miggy.

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel