Dating Barangay Ginebra player, taxi driver na raw ngayon

Dating Barangay Ginebra player, taxi driver na raw ngayon

- Binahagi ng two-time PBA MVP na si Willie Miller naiisip niyang maging taxi driver

- Naisip niya ito dahil sa pagbaba ng kanyang income mula nang wala na siya sa PBA

- Para sa kanya, masaya naman raw ang magdrive ng taxi dahil sa mga taong pwede niyang makausap at 'makulit'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang binahagi ng dating Barangay Ginebra player na si Miller ang binabalak niyang maging isang taxi driver.

Nalaman ng KAMI na matagala nang walang team si Willie kaya naman nag-iisip siya ng ibang negosyong maaring pagkakitaan.

Inamin niya na ngayong wala na siyang team sa PBA, bumaba talaga ang kanyang income kaya naman pumasok sa isip niyang pasukin ang pagta-taxi.

"Ramdam ko rin syempre yung effect sa income ng family. Ilang buwan na akong walang team sa PBA, kaya syempre yung sweldo nun, nafe-feel mo,” kwento ni Willie.

Kaya naman desidido siyang maging isang taxi driver kung kainakailangan habang may ilang units din siyang patatakbuhin. Ayon kay Willie, mayroon na siyang 4 na taxi na nabili kay Kerby Raymundo.

"Magta-taxi driver na ko. May apat na unit ako ng taxi eh. Nabili ko kay Kerby Raymundo.”

Para sa kanya, wala namang problema kung maging driver mismo siya ng sarili niyang taxi.

Magiging masaya raw ito dahil magagawa niyang makipagkwentuhan at makipagkulitan sa kanyang mga pasahero.

Masaya kayang mag-drive ng taxi. Ang tagal ko nang iniisip ‘yun. Nung naglalaro pa ko, gusto ko nang mag-drive. Masaya yun, nakakapangulit ka.”

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel