Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

- Sa unang tingin, aakalain mo isang boutique o fashion store ang tinitingnan mo sa laki at grandioso na silid ang makikita mo.

- Pero hindi ito shop ng mamahaling brand kung hindi isa lamang itong walk-in closet ni Jinkee Pacquiao.

- Grabe talaga sa laki at napakasosyal tingnan na tila isang opisina o tindahan ito ng isang high-end brand sa fashion world.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kung sa atin malaking cabinet ay okay na tayo, ibahin ninyo si Jinkee Pacquiao, ang asawa ni Senator Manny Pacquiao.

Dahil nakakalula nga'ng tingnan ang kanyang malaking walk-in closet na puno ng magarbong mga gamit.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat ng tao na napakalaking mansion ang tropical-modern dream house ng mag-asawang Pacquiao sa Forbes Park sa Makati.

Binahagi na ng KAMI dati kung gaano ka maringal ang 3-storey house nina Jinkee at Manny Pacquiao na mayroong sariling swimming pool, nakaka-anyayang water features, at magarbong home theater.

At ayon pa sa impormasyon nakuha namin sa 'Reali Living' ay nagkakahalaga naman lang daw ito ng P388 million.

Ang isa daw na hindi nila pwedeng hindi mapansin ay ang nakapakalaki at lawak ng walk-in-closet in Jinkee.

Sa sobrang laki at lawak nito ay pwede na itong gawing isang bedroom.

Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

Credit: Real Living/Image/Rene Mejia Melo Balingit

Para lang din sa isang malaki at mamahaling fashion boutique kung saan makikita mo naka hang ang mga wardrobes o mga cocktail dresses ganyan din makikita natin sa walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao, as pictured above.

Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

Credit: Real Living/Image/Rene Mejia Melo Balingit

Dahil sa laki na din ng walk-in-closet ni Jinkee ay mayroon din siyang sariling dresser table.

At may built-in drawers din ito para sa mga makeup at accessories ng may bahay ni boxing champ.

Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

Credit: Real Living/Image/Rene Mejia Melo Balingit

Meron din siyang central island sa likod ng isa sa mga cabinets niya kung saan naka-arrange ang kanyang mga mamahalin at kumikinang na mga alahas at easy access station din para sa kanyang mga gadgets.

Binigyan naman tayo ng closer look ni Jinkee sa nasabing area na makikita natin sa taas na Instagram post ng asawa ni boxing champ.

Mayroon din siyang sairling makeup room sa loob ng kanyang walk-in-closet.

Nakakalula sa laki at grandioso ang walk-in-closet ni Jinkee Pacquiao

Credit: Real Living/Image/ Rene Mejia & Melo Balingit

At huwag kalimutan ang kanyang sariling cabinet ng kanyang samu't sari at mamahaling eyewear na makikita din sa babang picture sa Instagram post ni Jinkee.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Read more news about Manny Pacquiao here

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel