"Ayoko talaga yun" Isiniwalat ni Kris Aquino ang pinaka-kinatakutan niyang mangyari

"Ayoko talaga yun" Isiniwalat ni Kris Aquino ang pinaka-kinatakutan niyang mangyari

- Binahagi ng Queen of All Media ang bagay na kanyang pinaka-kinatakutan mangyari sa isang panayam kamakailan lang.

- At kung iniisip niyo ay ang pagkawala ng kanyang kasikatan at kayaman ay nagkakamali kayo dahil mas mabigat pa ang tinuturo niyang nakakatakot na ayaw niyang mangyari.

- Natatakot siya na makakuha ng malubhang sakit dahil sa madali siyang ma-allergy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Siguro sa ibang tao ang maiisip nila na pinaka-kinatakutan na mangyari ni Kris Aquino ay ang mawala ang kanyang kinang o kasikatan at pati ang kanyang kayamanan ay hindi ito ang totoo.

Ayon sa panayam ng 'PEP' sa Queen of All Media, hindi daw siya natatakot kung mawala man ang kanyang katanyagan at kayamanan.

Inamin din naman ni Kris dati na madali siyang kapitan ng allergies kaya naman natatakot siya na makakuha ng malubhang sakit.

Kaya nga daw siguro kung bakit niya labis at madaling siniseryoso ang slightest symptoms.

Dahil din dito nabahagi niya kung bakit ganun na lang siya ka seryoso tungkol dito at bakit takot na tako siya.

Napag-alaman nga ng KAMI na isiniwalat ng 'I Love You, Hater' actress ang kanyang pinaka-kinatakutan na mangyari.

Ang takot niya ay kung paano ito makakaapekto sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby kung siya ay may malubhang sakit.

Sambit pa ni Kris:

"I don't want to be a burden. I don't want my sons seeing me suffer—just when nagba-bad allergy attacks ako, nai-stress na sila. So ayoko talaga yun."

Yung alam niya na maaaring mangyari ang anumang bagay, umaasa na lang si Kris Aquino ng biglaang kamatayan kaysa isang mahabang sakit.

Saad pa niya:

"Yung, I know its weird, I know it sounds morbid, 'God kung kukunin mo ako, can I just die in my sleep? And can you make it fast and can you make it sudden?"

Dagdag pa ni Kris:

"I've seen it, I've seen the suffering. I also know the pain medication—given I'm allergic to all of that."

Sa pagpapatuloy ng pahayag niya:

"It's a feeling na anong mangyayari as akin, kung yun ang magiging sakit ko, walang pain killers na puwede sa akin."
"So anong mangyayari? So ako talaga, 'God please ha, bilisan mo na lang kung kukunin mo rin ako, wag mo nang patagalin.'"

Na-experience na din ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ni Kris noong namatay ang daddy at mommy niya.

Sabi pa niya:

"Sabi ko talaga, ayoko lang talaga na to ever have to say those words to my sons that our mom told us na, "I went through this because you guys were not ready, so I think you guys are ready now."

At may hiling at dasal ang Queen of All Media tungkol dito:

"Yun lang pinagdadasal ko na sana I don't have to. I hope if the time does come that God says your time's up, I hope Bimb is mature enough and old enough that he can really take care of his kuya."

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel