Batang balut vendor, masayang nakapag-swimming sa unang pagkakataon kahit sa gilid lamang ng pool

Batang balut vendor, masayang nakapag-swimming sa unang pagkakataon kahit sa gilid lamang ng pool

- Nakita ng isang netizen na naliligo ang isang batang balut vendor na si "Otoy"

- Nang nalaman niya na ito pala ang unang pagkakataon na makaligo ito sa pool at sa gilid pa, hinayaan na lamang niya ito

- Maraming netizens ang naantig sa 'simpleng kaligayahan' ni Otoy kaya naman nag-viral ang video nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang viral na larawan ng batang lalaki na naliligo sa gilid ng swimming pool sa isang resort.

Nalaman ng KAMI na ang batang ito ay tinatawag nilang 'Otoy' na isang balut vendor.

Binahagi ng netizen na si Jayr Ontong ang larawan ni Otoy na naliligo sa pool sa Aliya Surf Camp, Baler Aurora.

Mukhang wala namang kakaiba rito ngunit nang binahagi na ni Jayr ang kwento ni Otoy, marami na ang naantig sa larawang ito.

Ayon kay Jayr, nakita niya na naliligo sa gilid ng mismong swimming pool si Otoy. Tinanong ni Jayr kumbakit nandun lang ang bata.

Nakiusap ang bata na makikiligo lamang siya dahil ito ang 'first time niya' na makaligo sa pool.

Kitang kita kay Otoy ang labis na saya kaya naman di na ito sinaway ni Jayr at hinayaan na lamang niya itong i-enjoy ang pool.

Sobrang natunaw ang puso ng mga netizens na nakabasa sa kwento ni Otoy at kitang kita rin nila ang kaligayahan ng bata kahit pa nasa tabi lang siya ng pool mismo.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Naiiyak ako pag nakakakita ako ng mga ganto"

"Let his simple dream fulfilled! Bring him to Waterparks!"

"This is not bad, lahat tayo may karapatan makaranas neto bata man o matanda, mahirap man o mayaman"

"Happy na sya kahit jan lang maligo"

"May God bless you forever otoy."

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel