Luis Manzano, binash ng todo matapos mapikon sa netizen na nag-duda kung authentic ang sapatos niya

Luis Manzano, binash ng todo matapos mapikon sa netizen na nag-duda kung authentic ang sapatos niya

- May isang netizen na nagduda sa pagiging authentic ng sapatos ni Luis Manzano

- Dahil dito, tinawag ni Luis na inggitero ang netizen

- Nagalit ang ibang netizens sa naging pagsagot ni Luis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging mahaba ang sagutan ni Luis Manzano sa isang netizen sa Instagram.

Nalaman ng KAMI na kwinestyon pala ng netizen ang authenticity ng sapatos ni Luis Manzano sa pamamagitan ng pag-tag sa Instagram page ng @yeezybusta.

Nang gawin ito ng netizen, inakusahan siya ni Luis ng pagiging inggitero na hindi marunong maging masaya sa tagumpay ng kaniyang mga kapamilya at katrabaho.

Sumagot naman ang netizen na ang sapatos lang usapan, hindi ang pagkatao ng aktor kaya hindi niya ito dapat personalin.

Sa huli, blinock na ni Luis ang kaniyang nakasagutang netizen.

Luis Manzano, binash ng todo matapos mapikon sa netizen na nag-duda kung authentic ang sapatos niya

Screenshots via Fashion Pulis

Maraming netizens ang negatibo ang komento ukol kay Luis sa comments section ng Fashion Pulis dahil sa pagsagot niya sa netizen:

“Defensive much si Luis na mabait sa mga empleyado and katrabaho niya. Negatron kaya always may pinapatutunayan. Does Luis even care that some people may find his pair of Yeezy fake?!! Inggit agad??!!”

“Masayang pikunin ang pikon na tulad ni Luis. Ang pangit naman talaga ng mga sapatos.”

“Napaka-sensitive naman nitong si Luis. Sobrang nega na.”

“In fairness sa commenter hindi umurong sa laban...ewan ko na lang kay Luis na hanggang last comment and block lang.”

“Si Luis naman. Masyadong defensive. Tama yung basher pwede naman sabihin ni Luis na orig yan. Di yung tinitira na niya pagkatao ng basher at kung ano ano na sinasabi.”

“Kung alam mo authentic ung gamit mo bakit kailangan makipag sagutan?”

Si Luis Manzano at Jessy Mendiola ay naging magkasintahan noong 2016.

Ang sikat na host ay kasalukuyang mapapanood sa ABS-CBN program na “I Can See Your Voice.”

Si Jessy ay isang Pinay aktres at huling napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si Andrea Collins.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners? Do Filipinos wish to immigrate and work abroad instead? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel