Masaya sanang Hong Kong trip ng magkakaibigan, nauwi sa purnada at trauma

Masaya sanang Hong Kong trip ng magkakaibigan, nauwi sa purnada at trauma

- Hindi inaasahan ng magkakaibigan na mauuwi sa trauma ang masaya nilang lakad

- Ibinahagi ni Grace Ann Bartolome kung ano ang nangyari sa kanila sa Hong Kong

- Takot ang naiuwi ng magkakaibigan galing Hong Kong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang masaya sanang Hong Kong trip ni Grace Ann Bartolome kasama ang kanyang dalawang kaibigan ay hindi natuloy at nagdulot lamang ng matinding trauma. Ibinunyag ni Grace Ann Bartolome sa kanyang Facebook account ang sinapit nila sa kamay ng airport employee pagdating nila ng Hong Kong. Hindi pinaalis sa airport ang tatlo at agarang pinabalik sa Pilipinas dahil sa security purposes umano ng Hong Kong.

Masaya sanang Hong Kong trip ng magkakaibigan, nauwi sa purnada at trauma

Photo credit: @Grace Ann Bartolome

Ayon sa post ni Grace, pinag-ipunan nilang magkakaibigan ang pagpunta sa Hong Kong dahil gusto nilang bisitahin ang mga magagandang lugar ng bansa. Ngunit, paglapag nila sa airport ng Hong Kong, sinalubong sila ng isang airport employee at tinanong ng mga basic immigration questions na kanila naming nasagot.

Dadgag pa ni Bartolome, nasagot man nila ang mga tanong, pinigilan pa din silang makaalis ng airport para sa imbestigasyon. Binigyan umano sila ng papel na kailangan nilang pirmahan hinalungkat ang gamit ni Grace. Nang tanungin kung bakit ganon ang nangyari, tanging security purposes lang ang nasagot ng empleyado at hindi pinayagan na tumawag sa kamag-anak na naghihintay sa labas ng airport.

Masaya sanang Hong Kong trip ng magkakaibigan, nauwi sa purnada at trauma

Photo credit: @Grace Ann Bartolome

Sa post pa ni Grace, ibinahagi niya na sobrang higpit ng Hong Kong immigration ngayon at tinanggap na lang nila ang nangyari kaysa may nangyari sa kanilang masama.

Gusto mong malaman ang tamang pag-yoyoga lalo na sa mga baguhan? Huwag ng mag-alala dahil may tutorial na magtuturo sa iyo ng tamang pagyoyoga. Dito mo lang yan mapapanood sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel