Nakakalula naman! Julia Barretto, nakatanggap ng mamahaling sapatos mula kay Bimby

Nakakalula naman! Julia Barretto, nakatanggap ng mamahaling sapatos mula kay Bimby

- Bumili si Bimby ng regalo kay Julia nang ito ay nasa Japan

- Isang mamahaling sapatos ang ibinili ng bata para sa kanyang Ate Julia

- Ipinagdiwang nina Bimby ang kaarawan ng kanyang Kuya Josh sa Japan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatanggap ng mamahaling regalo ang aktres na si Julia Barretto mula sa anak ni Kris Aquino na kanyang co-star sa I Love You, Hater. Tumungo sa Japan ang pamilya ni Kris upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang panganay na si Joshua. Habang nasa Japan, lumibot sa iba’t-ibang branded stores sina Bimby at naisipang bilhan si Julia ng Gucci shoes.

Naging malapit si Julia Barretto sa pamilya ni Kris Aquino simula nang magtrabaho ito ng magkasama para sa bago nilang pelikula na I Love You, Hater. Hindi lang ito ang unang beses na binigyan ni Bimby si Julia ng bagay dahil nagbigay na din ang anak ng TV host ng tsokolate para sa kanyang Ate Julia at ka-love team nitong si Joshua Garcia.

Sa vlog ni Kris Aquino para sa kanilang Japan trip, nakitang nagmamadali si Bimby kasama ang kanyang kuya dahil malapit ng magsara ang tindahan ng Gucci. Buti na lang naabutan nila ito at agad-agad na pumili ng sapatos na babagay kay Julia. Binilhan din ni Bimby si Joshua Garcia ng mamahalin na gamit.

Nang makapili ang bata ng magandang disenyo ng sapatos, sinabi nito na yun na ang kukunin niya upang magkaroon ng brownie points sa aktres.

Si Julia Barretto ay isang sikat na aktres at endorser. Siya ay anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Magkakaroon siya ng pelikula kasama ang love team partner na si Joshua Garcia at Queen of All Media na si Kris Aquino.

Gusto mo bang mag-yoga ngunit hindi alam ang tamang paraan? Huwag mag-alala, dahil may Yoga for Beginners na pwede mong panoorin. Dito mo lang yan makikita sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani

Christian Bautista marries non-showbiz girlfriend Kat Ramnani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel