Lolo na nagugutom, pinagmumura pa ng anak bago ito bigyan ng 20PHP na pangkain

Lolo na nagugutom, pinagmumura pa ng anak bago ito bigyan ng 20PHP na pangkain

- Labis labis na pagkagutom ang dahilan kaya naman nanghingi ng 20PHP si tatay Carlito Dela Paz Sr.sa kanyang mga anak

- Pinagmumura pa raw muna ng mga anak ni Tatay Carlito ang nagugutom ama bago pa ito mabigyan

- Humingi na ng tulong si tatay Carlito sa Kilos Pronto team para makauwi na lamang siya sa probinsiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bente pesos na nga lang ang hinihingi ni tatay Carlito Dela Paz Sr. ngunit sandamakmak na mura pa ang inabot niya mula sa kanyang mga anak na sina Carlito Jr at Michael Dela Paz.

Nalaman ng KAMI na dumulog na si tatay Carlito kay Ben Tulfo sa programa nitong Bitag para humingi ng tulong na maka-uwi na lamang siya sa probinsya dahil sa di magandang sinapit ng kanyang buhay dito sa Maynila kasama ang dalawa niyang anak na lalaki.

Pinakinggan naman ng programang Bitag ang kwento at hinaing ng matanda. Ayon sa kwento ni tatay Carlito, di raw maganda ang pakikitungo ng mga anak niya sa kanya.

Di naging malinaw kung pinalayas ito o lumayas mismo siya noong panahong siya ay may sakit.

Kaya naman ngayon, pagala gala na lamang siya kung saan man siya abutan.

Ngunit bago pa man mapagbigyan ang kahilingan ng matanda, minabuti ng programa na makausap muna ang mga anak ni Carlito para ipaalam ang plano ng matanda.

Kaya naman, kasama ang Bitag, pumunta sina tatay Carlito sa tinitirhan ng dalawang anak.

Laking gulat ng mga taga bitag sa mga rebelasyon ng anak ni tatay Carlito tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Ayon sa kanila, pasaway din daw talaga ang kanilang ama lalo na noong kabataan nito. 'Lagalag' daw ito at nakakrating pa nga ng Palawan.

Narito ang video ng panayam ng Bitag kay tatay Carlito.

Kwento pa ng isa sa anak ni tatay Carlito na si Michael, tinangka pa diumano ng matanda na gapangin noon ang kanyang misis. Kaya naman ganoon na lamang ang galit ni Michael sa ama.

Nang tanungin kung nais lamang ni tatay Carlito na manatili sa mga anak, umiling na ito. At nang tanungin din ang kanyang mga anak kung sa 'home for the aged' na lamang dadalhin ang ama, di man diretsahang sumang-ayon pero kita sa kanila ang matinding pagkamuhi sa kanilang ama.

Gayunpaman, ayon nga kay Ben Tulfo, ama pa rin ito ng dalawa na dapat irespeto. Nakalulungkot lamang na isipin na ang pasaway na ama ay nagbunga rin ng mga pasaway na anak.

Sa huli, sinabi ng host ng programa na Bitag na ang tanging maitutulong na lamang nila kay tatay Carlito ay ang mamuhay mag-isa sa Home for the aged.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel