Chicharon vendor, dumalo ng graduation ng anak na di alam na 'magna cumlaude' pala ito

Chicharon vendor, dumalo ng graduation ng anak na di alam na 'magna cumlaude' pala ito

- Nagtapos bilang 'Magna cumlaude' ng kanilang klase ang isang anak ng chicharon vendor na si Kim D. Limosnero sa University of the Philippines Visayas Tacloban College

- Buong akala ng kanyang ina ay gagraduate lamang ang kanyang anak ngunit laking gulat niya na 'magna cumlaude' pala ang award nito at di lang iyon, Valwdictorian pa siya ng kanilang klase

- Emosyonal si Kim sa kanyang speech dahil inaalay niya talaga ang kanyang tagumpay sa kanyang ama kahit na ito ay pumanaw na at sa ina na siyang nagpakahirap at nagsakripisyo para lamang mapag-aral siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos talaga ang emosyon nang sorpresahin ng isang 'Magna cumlaude' ng University of the Philippines Visayas Tacloban College ang kanyang ina na walang kaalam-alam na awardee pala ang kanyang anak sa kanyang pagtatapos.

Nalaman ng KAMI na si Kim D. Limosnero ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Accountancy na may cummulative grade na 1.256.

Chicharon vendor, dumalo ng graduation ng anak na di alam na 'magna cumlaude' pala ito

image: Definitely Filipino

Pinadalo lamang ni Kim ang kanyang ina sa kanyang pagtatapos na walang kaalam alam sa award na matatanggap ng kanyang anak.

Sa speech ni Kim, naging emosyonal siya sa pagpapasalamat sa kanyang ina na isang chicharon vendor para lamang maitawid ang kanilang mga pangangailangan.

Inaalay din daw ni Kim ang kanyang sablay at medalya sa ina at maging sa ama na pumanaw na bago pa man siya tumungtong ng grade school.

Maluha-luha ring binanggit ni Kim na ang kanyang ina ang summa cumlaue ng kanyang buhay.

Bukod sa pagiging 'magna cumlaude' si Kim din ang class valedictorian nila kaya naman wala talagang pagsidlan ng kasiyahan ang kanyang ina.

Pinangako pa niya na maipasa lamang niya ang Licensure exam sa Oktubre, tutulong na siya sa mga gastusin sa kanilang tahanan gayundin ang pag-aaral ng nakakababata pa niyang kapatid.

Source: Kami.com.ph

Related news
Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama

Da Best Collab Ever! YT vloggers Alex Gonzaga at Lloyd Cafe Cadena, nagsama
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel