Matapang na sumagot si Catriona Gray sa tila malisyosong tanong ng isang netizen

Matapang na sumagot si Catriona Gray sa tila malisyosong tanong ng isang netizen

- Tila hindi pa rin nanahimik ang mga taong mahilig mangpuna sa mga celebrities sa social media at ngayon ang biktima ay ang Philippine representative para sa 'Miss Universe 2018' na si Catriona Gray.

- Sa isang post ng 'Titas of Pageantry' o 'Pageant Titas' sa Instagram ay may isang lalaki na nagbigay ng tanong na tila malisyoso ang dating sa isang babae.

- Dahil dito ay binalikan ito ni ng 'Top 5 Miss World 2016' ng isang napakaganda at huwarang sagot na dapat nga ay intindihin ng mabuti ng mga malisyosong mga tao lalo na ang mga lalaki.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan ng Fashion Pulis ang nasabing post na shinare ng nasabing Instagram page tungkol sa isang tanong ng isang lalaking netizen na tila malisyoso ang dating na sinagot naman ng maganda at punto por punto ni Catriona Gray.

Ang nasabing clapback o bwelta ng beauty queen ay pinag-uusapan dahil na din sa ganda ng kanyang pagsagot sa isang tanong na parang malisyoso ang dating.

Sinupalpal nga ni Catriona at inilagay sa dapat kalagyan ang nasabing netizen na nagtanong tungkol sa vital statistics ng beauty queen na magrerepresenta ng ating bansa sa 'Miss Universe 2018.'

Hindi ang tanong ng nasabing netizen ang talagang napawindang ng lahat na netizens pero ang napakaganda at tagos sa puso at buto na sagot ng ating 'Miss Universe Philippines 2018' na makakarelate talaga ang mga babae.

Nakita ng KAMI ang kontrobersyal na post na nasa baba at kapansinpansin na tila ready na talaga si Catriona Gray para sa question and answer portion sa nalalapit na kompetisyon dahil sa galing at ganda ng kanyang sagot.

Si Catriona Gray ay unang nagrepresent sa bansa sa 'Miss World 2016' na inuwi naman ang Top 5 na parangal.

Ngayon ay magrerepresent siya sa Pinas para sa 'Miss Universe 2018.'

Sa ibang bahagi, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga madalas na pinupukol na mga uri ng stereotyping sa mga Pinoy, panoorin at pakinggan ang kanilang mga sagot sa video sa baba.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel