Pakaba muna! Basketball player, pineke ang injury para lang umeksena sa kanyang wedding proposal

Pakaba muna! Basketball player, pineke ang injury para lang umeksena sa kanyang wedding proposal

- Viral ngayon ang ibang klaseng wedding proposal kung saan nagkunwaring na-injury ang isang basketball player bago nito sinorpresa ang girlfriend sa isang wedding proposal

- Agaw eksena talaga sa kanilang laro ang ginawa na ito ng basketball player na sa ngayon ay di pa mapangalanan

- Umabot na sa 562k views, 5.5 shares at 20k reactions ang nasabing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayon, kanya-kanyang gimik na talaga kung paano mo masasabi ang mahiwagang tanong na 'Will you marry me?' sa iyong sinisinta.

Nalaman ng KAMI na isang agaw eksenang wedding proposal ang naganap sa Basketball court ang nag-viral ngayon sa social media.

Binahagi ng facebook page na Basketball Forever ang video ng isang basketball player na gumawa ng kapani-paniwalang eksena ng injury kung saan ntaranta lahat ang nasa court.

Lalo na ang kanyang girlfriend na nanonood sa kanyang laro. Agad lumapit ang girlfriend sa boyfriend nitong na-injury daw at makikitang alalalang alala sa kalagayan nito.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa facebook ng Basketball Forever:

Lumipas ang ilang minuto nang komosyonn nang bigla na lamang bumangon at lumuhod ang 'injured boyfriend' na may hawak na pala noong singsing.

Kitang kitang nagulat ang girlfriend sa bilis ng mga pangyayari. Nakakatuwang medyo nahuli pang mag-abot ng bulaklak ang marahil kinutsaba ng boyfriend nito.

Naging palaisipan pa sa mga nanonood kung sumagot ng matamis na oo ang babae dahil naputol na agad ang video.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel