Andi Eigenmann, ibinenta na ang mga mamahaling gamit at namumuhay na ng simpleng buhay

Andi Eigenmann, ibinenta na ang mga mamahaling gamit at namumuhay na ng simpleng buhay

- Hindi na aktibo sa showbiz si Andi Eigenmann

- Mas pinili na pala niyang tumira sa Baler, Aurora

- Ipinaalam din niyang hindi na magara ang kaniyang buhay ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malaking malaki na ang pagbabago sa buhay ni Andi Eigenmann.

Nalaman ng KAMI na namumuhay na ng simpleng buhay ang dating sikat na aktres.

Ayon sa video interview na pinost ni MJ Marfori, wala na siyang mga luxurious items maging mga empleyado sa bahay.

Lumipat na rin siya sa Baler, Aurora dahil naniniwala siyang mas magandang environment iyon para sa anak niyang si Ellie.

“I went like, full – I sold everything I felt was an idea of luxury that I didn’t need. I don’t own cars, I don’t own designer clothes, bags, lahat ng mga pang-artistang yan. Makeup, lahat yan wala na!

“Kahit mga kasama sa bahay, mga yaya, driver, wala na lahat yun. Talagang simple life.”

Dagdag pa ni Andi, furniture at gamit sa bahay na lang ang tinira niya sa kaniya.

Ipinaliwanag niyang iniwan niya ang magarang buhay dahil parang iyon ang nagpapa-toxic ng buhay niya.

Si Andi Eigenmann ay anak ni Jaclyn Jose at nagsimula ang career niya as a Kapamilya star. Kilala siya sa pagganap sa seryeng Agua Bendita.

Naging kontrobersiyal din ang aktres dahil sa anak niya kay Jake Ejercito. Si Albie Casiño kasi ang inakala niyang ama ng kaniyang anak pero napatunayan ng DNA test na si Jake ang tunay na tatay ni Ellie.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners? Do Filipinos wish to immigrate and work abroad instead? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel