Ayaw patinag! Ate Girl Jackque Gonzaga, pinipilit deadmahin ang masasakit na sinasabi ng kanyang mga bashers

Ayaw patinag! Ate Girl Jackque Gonzaga, pinipilit deadmahin ang masasakit na sinasabi ng kanyang mga bashers

- Naging emosyonal si Jackque “Ate Girl” Gonzaga sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

- Ito ay nang maalala niya ang suportang binibigay ng pamilya niya sa kabila ng mga negatibong komentong natatanggap niya mula sa ibang tao

- Hindi niya mapigilan ang luha nang ikuwento niya ang dinanas na bashing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Jackque “Ate Girl” Gonzaga nang maalala niya ang binigay na suporta sa kanya ng kanyang pamilya sa kabila ng mga masasakit na mga salitang binato sa kanya ng kanyang mga bashers.

“Happy po sila basta masaya po ako. Kasi sabi nila hindi naman mabibili ng pera yung kasiyahan na nakikita nila sa akin. Lalo yung family po nandiyan lang po sila kasi sila lang yung puwede mong sabihan. Yung mapagkakatiwalaan mo sa lahat.”

Ibinahagi din niya ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao na talaga naman daw sobra siyang nasaktan.

“Yung sabihin po na dancer ka lang. Bakit daw pinipilit pasikatin, bakit ako yung nandun.”

Habang ibinahagi niya ang sakit na naranasan sa mga pangungutya ng ibang tao ay hindi niya maigil ang luha.

“Yung mga ganun po minsan sabi ko ang bigat naman nito, di ko na nga lang basahin. Pag minsan pag nakikita ko na negative na yung sasabihin, exit ko na lang tapos pray na lang ako. Bahala kayo diyan.”

Nang maitanong kung bakit mas pinili niyang huwag iwan ang showbiz, narito ang kanyang nagingsagot.

“Kasi wala naman po akong tinatapakang tao. Ginagawa ko lang po yung trabaho ko. Kung hindi naman po nila nagugustuhan...pero parang mas marami naman po yung natutuwa. Parang positive naman po yung ginagawa ko.”
“wala naman akong ginagawang masama, so kung hindi niyo gusto e di sorry. Kung gusto niyo, thank you.”

Si Jackque “Ate Girl” Gonzaga ay nakilala bilang dancer sa It's Showtime. Nabigyan siya ng exposure nang lagi siyang pinapansin ni VIce Ganda hangga't sa dumami ang naging taga suporta ng kanilang tambalan na tinawag na ViceJack.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel