May malaking pelikula daw na nag-aabang! Pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz, inaabangan

May malaking pelikula daw na nag-aabang! Pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz, inaabangan

- Malapit nang magbalik showbiz ang isang actor ayon sa mga blind items

- Sinasabing may nakaabang daw na malaking pelikula sa aktor kapag pwede na siya uli

- Ayon pa sa ulat, tanging si John Lloyd lang puwedeng makapagbigay ng hustisya sa challenging role

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa isang ulat ng PEP, halata di umanong si John Lloyd Cruz ang tinutukoy sa mga lumalabas na blind items. Ayon pa sa nasabing blind item, gusto nang magbalik-showbiz ng isang aktor kaya nagparamdam na siya sa mga taong nagpapatakbo ng acting career niya.

Matatandaang halos walong buwan narin na hindi naging active sa kanyang showbiz career ang aktor na si John Lloyd simula nang mag leave noong October 2017.

May dalawang bersiyon ang mga lumalabas na blind item.

Una, tinanggihan umano ang aktor ng network management matapos makiusap ang aktor na bigyan na ito ng mga assignment dahil handa na siyang magtrabaho diumano.

Ang pangalawang version naman ay pumayag umano ang management na pagbigyan ang hiling ng aktor pero kailangan pa nitong maghintay ng limang buwan.

Walang ibang magiging credible na source kundi ang aktor mismo upang mabigyan linaw ang lumalabas na balita.

Ayon naman sa isang source ng PEP, may malaking pelikula ang Star Cinema na naghihintay sa availability niya dahil siya lamang ang puwedeng makapagbigay ng hustisya sa challenging role.

Dahil tila napaka obvious na si John Lloyd ang tinutukoy sa mga blind items, may mga netizens na nagreact na kesyo hindi naman napanindigan ng aktor na talikuran ang showbiz.

Matatandaang sa announcement na nilabas ay pansamantala lang naman ang pamamahinga ng aktor sa showbiz.

"ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.
"John Lloyd Cruz will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence."

Iyan ang naging announcement nang magpasyang magpahinga muna ang aktor sa showbiz.

Samantala, narito ang naging reaksiyon ng mga netizens sa nasabing balita.

si jl yung nag insist na bgyan na sya ng work. Nag ok naman yung star cinema kasi sya lang daw yung may kaya mag portray sa character kaso kaylangan daw nya mag antay ng 5 months. Well, kaylangan nya din kumita kase magkaka anak na sya. Good luck for him.
di mo naman binasa ng mabuti. Both ng sinabi mo ay rumors at unconfirmed. Ang malinaw lang is indefinite yung leave of absence. Kaya he can come back anytime.
basahin mo ule di mo ata nabasa yung sa Cabinet files
magbasa ka din. intindihin mo meaning ng blind item. reading comprehension mo wala.
Puno pa ang line up ng Star Cinema kaya after 5 months dahil for sure, 4th quarter or next year na ulit maaaring ipalabas ang pelikula.
Gusto ko magpalaki siya ng katawan gaya ng body niya noon sa Maging Sino Ka Man book 1.
Kampante siyang magTopLess noon kasi may Dibdib siya at hindi naman mabilbil, pero wala ding abs Ang tiyan niya.
Gusto ko siyang makita in a sexy movie with a torture scene na mala-Gabby Concepcion sa pelikulang When the Love is Gone noong 2013.
Ang tanong, gusto pa ba niyang bumalik? At meron pa ba syang babalikan?
si jl yung nag insist na bgyan na sya ng work. Nag ok naman yung star cinema kasi sya lang daw yung may kaya mag portray sa character kaso kaylangan daw nya mag antay ng 5 months. Well, kaylangan nya din kumita kase magkaka anak na sya. Good luck for him.
Yan ang artista ng dos. Kahit matagal ang pag pahinga, may trabahong babalikan.
Good for him kung gusto na niyang bumalik. But what about the second question? Pag balik nya, ganun pa rin ba kainit ang pagtanggap sa kanya ng taumbayan? I hope ganun pa rin. Knowing him, he's such a fine actor. And I hope yung indefinite leave na nakuha nya, nakapag-recharge na sya.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel