Nagkagusto pala sa iba! Joshua Garcia, inaming nagka-crush sa isang sikat na aktres bago maging sila ni Julia Barretto

Nagkagusto pala sa iba! Joshua Garcia, inaming nagka-crush sa isang sikat na aktres bago maging sila ni Julia Barretto

- Ibinahagi ng aktor kung sinong sikat na artista ang nagpatulala sa kanya

- Hindi nagdalawan-isip na magbigay ng sagot ang aktor tungkol sa kanyang celebrity crush

- Inamin ito ng aktor bago pa sila maging isang love team ni Julia Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng aktor na si Joshua Garcia na nagkagusto siya sa isang sikat na artista bago pa man siya makahanap ng ka-love team. Sinabi ng aktor na si Kathryn Bernardo ang kanyang unang celebrity crush at nakilala niya ito noong napabilang siya sa pelikulang pinagbibidahan nito.

Nalaman ng publiko ang celebrity crush ni Joshua Garcia nung lumabas ito sa programang Magandang Buhay noong 2016. Ang dating PBB housemate ay naging totoo nang sabihin nitong si Kathryn ang kanyang crush at maswerte siya nang makasama niya ito sa pelikulang Barcelona: A Love Untold na pinagbibidahan din ni Daniel Padilla.

Tinanong si Garcia ni Karla Estrada kung nasabi ba ng aktor sa anak niyang si Daniel Padilla na may gusto ito sa aktres at inamin ng aktor na nasabi niya ito at wala namang problema kay Daniel. Inamin din ng aktor kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae. Ani niya, kahit hindi kagandahan basta maunawain, sweet, at maalaga,okay na sa kanya.

Ang pag-amin ni Joshua ay nangyari noong 2016 na kung saan hindi pa niya ka-love team si Julia Barretto. Ngayon, nagiging tunay na ang relasyon ng aktor kay Barretto.

Si Joshua Garcia ay isang sikat na aktor na unang nakilala noong sumali sa PBB: All In. Naging parte siya ng teleseryeng The Greatest Love ng ABS-CBN at bumida din sa Vince and Kath and James kung saan nabuo ang kanyang kasalukuyang love team, ang JoshLia.

Gusto mo bang makamit ang malusog na katawan sa pamamagitan ng pag-yoyoga ngunit hindi moa lam kung paano? Hiwag mag-alala, panoorin lamang ang Yoga for Beginners at dito lang yan sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel