Mariel Rodriguez, kontra pala kay Robin Padilla sa isyu ng pagkakaroon ng pangalawang anak

Mariel Rodriguez, kontra pala kay Robin Padilla sa isyu ng pagkakaroon ng pangalawang anak

- Sinabi ni Robin Padilla sa isang interview na ayaw na niyang magka-anak muli ni Mariel Rodriguez

- Sa interview naman kay Mariel, sinabi ng actress-host na gusto pa niyang bigyan ng kapatid si Maria Isabella

- Sa kabila ng paghahangad na ito ni Mariel, wala pa raw silang plano ni Robin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkaiba pala ng pananaw ang mag-asawang sila Robin Padilla at Mariel Rodriguez Padilla ukol sa pagkakaroon ng bagong anak.

Nalaman ng KAMI na gusto pa ni Mariel magkaroon ng anak.

Sa guesting niya sa “Magandang Buhay,” sinabi ni Mariel sa host ng Kapamilya talk show na wala pa silang plano ni Robin na mag-buntis ulit pero gusto niyang bigyan ng kapatid ang anak nilang si Maria Isabella.

“Wala pa. Ako, gusto ko siyang magkaroon ng kapatid. Pero wala pang plano. Wala pa,” sagot ni Mariel.

Sa interview kay Robin ng PUSH, sinabi niyang ayaw na niyang magka-anak pa silang muli ni Mariel.

“Wala. Wala. Kawawa naman si Mariel.

“Hindi naman siya pang ganun, eh. Hirap siyang magbuntis, eh. Hindi siya ano, yung paanakin na puwede mong anakan nang anakan.

“Si Mariel, ang daming ineksyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako, ang dami ko ng anak. Saka kawawa talaga si Mariel,” ipinaliwanag ni Robin.

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners? Do Filipinos wish to immigrate and work abroad instead? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel