Darna pinagtanggol si Darna! Angel Locsin may buwelta sa isang kritiko ni Liza Soberano

Darna pinagtanggol si Darna! Angel Locsin may buwelta sa isang kritiko ni Liza Soberano

- Hindi makakaila na ang Darna ang isa sa mga notable roles na tumatak kay Angel Locsin dahil naman din sa liksi at galing nito sa pagkilos na kailangan sa pagganap ng nasabing papel.

- Pero dahil nga sa back injury na natamo ng aktres ay hindi na nito kaya gawin ang nasabing role at kaya naman ibinigay na ito ni Liza Soberano na maluwag naman na tinanggap ng unang aktres subalit tila hindi pa rin okay sa ibang fans ang balita.

- Sa katunayan, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Angel kung saan pinakita ng aktres ang training niya sa 'The General's Daughter' at ikinumpara ang kakayahan niya sa bagong Darna na pinuna ang acting skills ni Liza pero sinagot ito ng dating Darna.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang shinare ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang hirap at grabeng aksyon na ginagawa niya para sa kanyang bagong role sa 'The General's Daughter.'

At sa nasabing video, makikita kung gaano talaga kagaling sa aksyon ang aktres kaya naman bumuhos ng comments at nagflood likes ang mga tagahanga nito.

Pero tila ang iba hindi pa rin maalis sa isip ang pagiging Darna ng aktres na talaga namang tumatak sa kanya.

Ayon sa balita ng 'ABS-CBN News,' isang tagahanga ng aktres ang pinuri siya sa komento nito at gusto pa rin na ang aktres ang gumanap na Darna at pinuna ang pag-arte ni Liza Soberano bilang bagong Darna.

Napag-alaman ng KAMI sa nasabing post na hindi nagustuhan ng nasabing netizen ang acting skills ng the 'World's Most Beautiful Face' sa teleserye nito na 'Bagani' at dahil na din sa gilas na pinakita ni Angel sa training niya ay kinumpara ito ng nasabing netizen.

Pero sinagot naman ito ni Angel Locsin at pinagtanggol si Liza Soberano.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin here

Speaking of gandang Pinay, tinanong ang taong bayan tungkol sa mga sinasabi ng ibang tao na lahat ng Filipina ay gustong mag-asawa ng foreigner at iba pang mga stereotype na binabato sa mga Pinoy.

Tingnan ang mga sagot nila sa babang video

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel