Grade 12 student, nag-print na ng pangalan sa bawat yellow pad para wala nang manghingi sa kanya

Grade 12 student, nag-print na ng pangalan sa bawat yellow pad para wala nang manghingi sa kanya

- Ibang klase ang naisip ng Grade 12 student na si John Cyril Ambrocio kung saan isa isa na siyang nag-print ng pangalan sa yellow pad para raw wala nang makahingi sa kanya

- Sa comment section, nilagay pa niya kung paano i-set ang printer para mai-ayon ito sa size ng yellow pad at sumakto ito sa linya ng papel

- Ginawa niya raw ito para makatipid dahil na rin sa mapang-abuso niyang mga kaklase na laging humihingi sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibang level na talaga ang kadamutan o sabihin na lamang natin na pagtitipid ng isang Grade 12 student na ito dahil sa naisipan niyan pangalanan na ang lahat ng yellow pad niya para raw wala nang makahingi pa sa kanya.

Nalaman ng KAMI na itong si John Cyril Ambrocio ay nakaisip ng paraan para raw makatipid dahil madalas siya ang mawalan dahil sa labis na panghihingi ng kanyang mga kaklase.

Sa kanyang tweet, pinakita ni John ang isang buong yellow pad na mayroon na niyang pangalan na naka-print gamit ng computer.

“Hindi naman sa pagdadamot, pero I just realized na wala pang one month, paubos na agad yellow pad ko jusko,” paliwanag ni John.

Nagbigay pa ng tip ang grade 12 student na ito kung paano niya nai-set ang printer niya para mai-sakto sa mga guhit ng yellow pad ang pangalan at section niya pag ito ay ipi-print na.

Sinabi pa niya sa When in Manila na una niyang plinano na sulat kamay na lamang ang kanyang pangalan, isa isa sa mga yellow pad. Ngunit, ano nga ba naman ang mas dadali pa kung ipi-print na lamang niya ito gamit ang printer ng computer.

“Pero sa papel lang naman ako nagdadamot. Wala kase sila sa budget ng mama ko,” depensa pa ni John.

A gold digger is a common term used to refer to people who are seeking a rich partner. In this video, we are going to interview a bunch of strangers and ask them questions regarding this term. Is it true that all women from the Philippines want to marry foreigners?

Filipinos Are Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story

5 Things you might not know about Carmina Villaroel & Zoren Legaspi's love story
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel