The Queen's flaw! Pia Wurtzbach, inamin ang kanyang kahinaan sa buhay

The Queen's flaw! Pia Wurtzbach, inamin ang kanyang kahinaan sa buhay

- Ibinunyag ng beauty queen ang itinuturing niyang kapintasan

- Ipinahayag din ni Pia kung ano ang nagpapasaya sa kanya

- Inamin din ng beauty queen kung ano ang irineregalo niya sa kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nahiyang aminin ni Miss Universe 2015 at aktres na si Pia Wurtzbach ang kapintasan niya sa buhay. Ang pagiging transparent ang itinuturing niyang ultimate flaw dahil madali umano mabasa ang kanyang nararamdaman.

Ayon sa Pep.ph, nang tanungin ang aktres tungkol sa kanyang kapintasan, ang pagiging transparent ang naging sagot nito dahil madaling mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Saad ni Pia, kahit sabihin niyang okay lang siya, iba ang ipinapakita ng kanyang mukha.

Dagdag pa ng aktres, dahil sa pagiging expressive niya, hindi niya magawang magsinungaling na bibihirang ugali sa showbiz. Ngayong 28 taong gulang na si Pia, mas binibigyan niya ng pansin ang kanyang kalusugan. Naghahanap siya ng iba’t-ibang workouts na hindi pa niya nagagawa upang mapanatili ang magandang kalusugan at katawan.

Nang tanungin ang beauty queen tungkol sa nagpapasaya sa kanya, simple lamang ang naisagot nito. Masaya na si Pia sa pagkakaroon ng oras kasama ang pamilya kahit nasa bahay lang sila. Dagdag pa nito, ang pagda-drive ng mag-isa ay nakakabigay din sa kanya ng aliw. Kung bibigyan man niya ang sarili ng regalo, ang pagkakaroon ng little moments kasama ang mga mahal niya sa buhay ang nais niya.

Si Pia Wurtzbach ang itinanghal na Miss Universe 2015 pagkatapos sumali ng apat na beses sa Binibining Pilipinas. Siya rin ay sikat na endorser at aktres. Nagkaroon din siya ng pelikula kasama si Gerald Anderson na pumatok sa madla.

Nais mo bang magkaroon ng magandang pangangatawan at masiglang pag-iisip? Bakit hindi mo subukang mag yoga? Mahirap ba? Huwag mag-alala dahil meron ng Yoga for Beginners at mapapanood mo lang ito sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel