Solenn Heussaff ipinakita ang 'kahirapan' na pinagdadaanan ng mga artista tuwing may show

Solenn Heussaff ipinakita ang 'kahirapan' na pinagdadaanan ng mga artista tuwing may show

- Ipinakita ni Solenn Heussaff ang mga paghihirap na dinadaanan nilang taga-showbiz sa likod ng kamera

- Shinare ni Solenn kung paano niya kailangang mamlantsa at manahi bago magsimula ang show

- Wala siya ni isang alalay o kahit katulong man lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang pag-aartista ay hindi lamang saya at tawa, may kaakibat ding paghihirap at ito ay ipinakita ni Solenn Heussaff sa isa niyang post.

Kinailangang manahi at magplantsa nang di oras ni Solenn dahil nagkaproblema ang kanyang gown.

Ito ay naganap bago ang isang show sa Canada kung saan kasama ang multi-awarded na aktres.

Sa video na ibinahagi niya, makikitang nasa sahig si Solenn na mukhang may ginugupit.

Na-realize ng mga fans niya na ginugupit niya ang sariling gown!

Siguro hindi niya nagustuhan ang haba kung kaya't kinailangan niyang gupitin ito.

Dahil sa ipinakita ng aktres, marami ang lalong humanga sa pagiging down to earth niya.

Ang post pa niya ay, "It's not all glam. Multi-tasking at its finest after all the fake hair/fake lashes, and make up. Yup. #WeDontWakeUpLikeThat"

Si Solenn Heussaff ay isang model, endorser at aktres. Napangasawa niya si Nico Bolzico, isang Italian businessman. Nakababatang kapatid siya ni Erwan Heussaff, na siya namang asawa ni Anne Curtis.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel