Nakabawi! LA Tenorio, hinirang na PBA Player of the Week

Nakabawi! LA Tenorio, hinirang na PBA Player of the Week

- LA Tenorio itinanghal na player of the week

- Ligtas na ang Barangay Ginebra sa elimination round ng PBA Commissioner’s Cup

- Naghahanda na ang Barangay Ginebra sa laro nila laban sa GlobalPort

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakabawi ang Gin Kings! Ang all-around game ng Barangay Ginebra at ni LA Tenorio ang naging susi ng koponan upang makaligtas sa eliminasyon ng PBA Commissioner’s Cup. Hindi nagpatinag ang Gin Kings sa kanilang mga nakalaban noong nakaraang linggo.

Ayon sa Philstar.com, sa tulong ni LA Tenorio, nagkaroon ng pagkakataon ang koponan ng Barangay Ginebra na makabawi bago matapos ang elimination round ng Commissioner’s Cup ng PBA. Nagtala ng 14 puntos, 6.5 assists, 4.0 steals, at 4.0 rebounds ang manlalaro ng Barangay Ginebra kaya naman itinanghal siyang PBA Player of the Week.

Dahil sa ipinamalas na galing ni Tenorio, natalo ng Barangay Ginebra ang koponan ng Columbian Dyip na nagtapos sa iskor na 133-104 at nagtala ang manlalaro ng 16 puntos, 10 assists, at 3 rebounds. Napataob din ng Ginebra ang Alaska Aces dahil sa dedikasyon ni Tenorio na kung saan nakatala muli ito ng 12 puntos, 5 rebounds, 5 steals, at 3 assists at tinapos ang laro sa iskor na 105-86.

Sa nakakabilib na puntos ni LA Tenorio, natalo nito ang ibang manlalaro sa weekly citation. Magkakaroon ng laro ang Barangay Ginebra laban sa GlobalPort sa darating na Hulyo 6 na gaganapin sa Cuneta Astrodome.

Si LA Tenorio ay isang propesyonal na basketbolista ng PBA na naglalaro bilang point guard para sa koponan ng Barangay Ginebra. Siya ay dating manlalaro ng Alaska Aces bago lumipat sa kanyang kasalukuyang koponan.

Gusto mo bang malaman kung ano ang pahayag ng tao pagdating sa isyu na diborsyo? Panoorin mo ang Divorce: to legalize or not? upang maintindihan ang mga hinaing ng mga Pinoy pagdating dito. Upang mapanood ang mga nakakaaliw at nakakapagbigay-aral na mga bidyo, tumungo lamang sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel