Mariel Rodriguez, umamin na kung bakit siya pumayag na magpakasal kaagad-agad kay Robin Padilla

Mariel Rodriguez, umamin na kung bakit siya pumayag na magpakasal kaagad-agad kay Robin Padilla

- Mariel Rodriguez nagbigay ng sagot tungkol sa pagpapakasal nila noon ni Robin Padilla

- Ibinunyag ng TV host kung ano ang rason ng kaniyang pakikipag-isang dibdib sa aksyon star

- Mariel kung ano ang kondisyon kay Robin upang pumayag magpakasal noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ng TV host na si Mariel Rodriguez ang tanong ni Melai Cantiveros tungkol sa rason ng kanyang pagpapakasal nang ito ay mag-guest sa Magandang Buhay. Saad ni Mariel, sobrang in-love siya kaya agad-agad siyang nagpakasal kay Robin Padilla noon. Naramdaman niya ang pagmamahal ng aktor kaya hindi na siya nag dalawang-isip pa na makipag-isang dibdib.

Ayon sa episode ng Magandang Buhay na kung saan si Mariel ang guest, nag-usap sila ng masinsinan ni Robin bago magpakasal. Tinanong umano siya ng aktor kung may kailangan muna bang kausapin gaya ng pamilya. Dagdag pa ng TV host, inilatag din ni Robin sa kanya ang mga importanteng bagay sa buhay nito na kailangan niyang tanggapin at unawain.

Saad ni Mariel, kaya niyang tanggapin ang lahat ng iyon basta ang kundisyon lamang ng TV host sa aksyon star ay siya lang ang asawa at wala ng iba na isinatupad naman ng aktor hanggang ngayon. Masayang ibinahagi din ni Mariel na mag-wawalong taon na sila ng aktor bilang mag-asawa.

Si Mariel Rodriguez ay isang sikat na TV host, aktres, endorser, at model. Siya ay naging VJ din ng MTV ngunit umalis din kalaunan. Si Mariel naging regular host ng Pinoy Big Brother at iba pang TV show. Ngayon, siya ay nakikitng muli sa It’s Showtime pagkatapos magpahinga dahil sa kanyang panganganak sa unang anak na si Maria Isabella sa kanyang asawa na si Robin Padilla.

Nais mo bang malaman kung paano ang tamang yoga sa mga baguhan? Panoorin ang Yoga for Beginners upang makita ang mga tamang posisyon na madaling matutunan upang hindi mahirapan sa pagyoyoga. Pwede mong panoorin ito dito lamang sa BeKami YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel