Umalma si Binoy! Robin Padilla, di raw kayang harapin ang fiance' ni BB Gandanghari

Umalma si Binoy! Robin Padilla, di raw kayang harapin ang fiance' ni BB Gandanghari

- Di pa raw kayang tanggapin ni Robin Padilla kung sakaling magpakilala si BB Gandanghari ng kanyang partner

- Masyado pa raw 'bata' si BB sa kanyang kasarian para pumasok agad ito sa seryosong relasyon

- Gayunpaman, suportado parin ni Robin ang kapatid sa kung anuman daw ang naisin nito sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos kamakailan lamang ay inamin ni Robin Padilla na binibigyan na ng tulong pinansyal ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari na naninirahan ngayon sa Amerika.

Nalaman ng KAMI na nakikipagsapalaran doon si BB dahil mas tanggap diumano doon ang kagaya niyang isang transgender.

Dahil wala naman siya roong regular na pinagkakakitaan, nagtutulong tulong ang pamilya nina Robin na suportahan pa rin si BB. Tinatangka rin kasi nitong pasukin ang Hollywood kaya naman hinahayaan na lamang nila itong panindigan ang naturang desisyon.

Ngunit para kay Robin, wala pa ring mas sasarap pa sa pananatili sa sariling bansa.

“Kung ako ang tatanungin, walang pinakamaganda kung hindi nandito ka sa Pilipinas. Eh, siyempre, yung kanya, napili niyang makipagsapalaran sa Hollywood. Eh, napakadami dong kompetensya.

“Humihingi siya ng tulong sa amin, lalo na siya, wala naman siyang income. Pero bilang magkakapatid nagtutulungan kami. Ginagawa naman niya lahat para kumita siya don, pero Amerika yon, ang daming nagugutom don.

“Pero hangga’t kaya namin siyang itawid, tutulungan namin siya. Pero pag hindi na namin kaya, eh, yon na yung reality strikes na, ‘Tol, umuwi ka na.’ Pero sa ngayon naman masaya kami na masaya siya,” paliwanag ni Robin.

Ang di lang daw siguro kayang harapin ni Binoy ay ang pagdating ng punto na ipakikilala na sa kanila ang maaring mapangasawa ni BB na marahil ay isa ring lalaki.

“Ang wag lang niyang hingin sa amin yung… ipakilala niya yung papakasalan niya. Hindi ko pa kaya yon. Parang teka muna ‘tol, biglaan yan, ha, yung mga ganun.

“Hindi pa namin kaya yon. Wag niyang biglaan kasi… parang 12 years old na nagdala ng boyfriend siyempre magugulat din kami, di ba? Bata pa siya sa amin masyado. Hindi pa kami handa don,” ani Binoy.

Mas makabubuti kung di na nga lamang daw ito ipakilala sa kanila dahil sa baka di raw nila ito mapakiharapan ng tama.

Samantala, mapapanood pa rin si Robin sa 'Sana Dalawa ang puso' kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Do Filipinos wish to immigrate and work abroad instead? Philippines Gold Diggers: Are You Ready To Hear The Truth? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel