Fans ni Angel Locsin, labis na nag-alala sa viral na larawan nitong puro pasa

Fans ni Angel Locsin, labis na nag-alala sa viral na larawan nitong puro pasa

- Nag-viral ang larawan ni Angel Locsin na nakangiti pa kahit puno na ng pasa ang kanyang braso

- Puspusan na ang paghahanda na si Angel para sa kanyang role sa 'The General's Daughter'

- Imbis na mag-alala, pinuri pa si Angel ng kanyang mga fans dahil daw sa angas ng training nito para sa kanyang teleserye

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ni Angel Locsin kung saan pinakikita ng aktres ang ilang 'pasa' sa kanyang braso.

Nalaman ng KAMI na nakuha pala ito ng aktres sa kanyang puspusang pagti-training para sa kanyang role sa bagong teeserye ng ABS-CBN ang The General's Daughter.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang larawan at video si Angel kung saan siya ay sumasailalim sa knife combat training.

Ngunit, imbis na mag-alala ang kanyang mga fans at supporters labis pa silang humanga sa determinasyon nito para lang mas mapaganda pa ang pagganap niya sa nasabing teleserye.

"Angel earns her Libre Birthmark under the guidance of Libre Philippines Trainer Fernan Masicampo," ayon ito sa post na binahagi ng mismong naghahasa kay Angel sa knife combat, ang Libre Fighting Philippines.

Samantala, makikita rin sa mga video na binahagi ni Angel sa kanya mismong instagram si Paolo Avelino na makakasama rin niya sa teleserye.

Mga bigating artista ang makakasama ni Angel sa 'The General's Daughter' tulad nina Janice de Belen, Eula Valdez, JC De Vera, Ryza Cenon at Maricel Soriano.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel