Michela Cazzola, nanganak na sa pangalawang anak nila ni James Yap

Michela Cazzola, nanganak na sa pangalawang anak nila ni James Yap

- Nanganak na ang partner ni James Yap na si Michela Cazzola

- Babae ang kanilang pangalawang anak

- Nagpasalamat si James sa Panginoon dahil safe na nailuwal ni Michela ang kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanganak na ang Italian partner ni James Yap na si Michela Cazzola sa kanilang pangalawang anak. Isinilang nito ang anak nilang babae na ayon kay James ay pinangalang Francesca Michelle.

Ayon pa sa PBA superstar, silang dalawa ni Michela ang pumili ng pangalan para sa kanilang baby girl.

Nagyong Miyerkules, June 27m ibinahagi ni James sa Instagram ang magandang balita. Ayon pa sa isang source ng PEP, ang baby ay iniluwal na may bigat na 5.5 pounds.

"Our baby Francesca Michelle is here... Thank you God for protecting them during the delivery..."

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens para sa magkarelasyon.

Matatandaang ipinaalam nila na magkakaroon ulit sila ng baby noong April 18 sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.

Naging halata naman ang tiyan ni Michela mula noong February nitong taon.

May anak na lalaki sina James at Michela na ngayon ay 2 taong gulang na na pinangalanan nilang Michael James o MJ.

Nagkakilala sila noong 2012.

Congratulations, James at Michela!

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel