Vice Ganda, emosyonal na binahagi ang dahilan kung bakit nagtayo ng sariling make-up brand

Vice Ganda, emosyonal na binahagi ang dahilan kung bakit nagtayo ng sariling make-up brand

- Si Vice Ganda ang may-ari ng sarili niyang make-up brand na 'Vice'

- Binahagi niya ang kwento sa likod ng matagumpay niyang make-up line na may kinalaman sa kanyang pinakamamahal

- Ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay ang naging dahilan kung bakit abot kaya ng mga ilaw ng tahanan ang kanyang mga produkto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sikat na sikat ngayon ang make-up brand ng nag-iisang 'unkavogable' na walang iba kundi si Vice Ganda.

Nalaman ng KAMI na malalim pala ang dahilan ni Vice sa pagtatayo niya ng sarili niyang make-up at iyon ay dahil sa kanyang pinakamamahal na ina.

Kwento ni Vice sa ABS-CBN, di niya malilimutan ang isang pangyayari kung saan aksidente niyang nasira ang lipstick ng kanyang ina noong siya ay bata pa lamang dahil pinaglalaruan niya ito.

Malungkot na sinabi ng kanyang ina noon na di pa pala niya bayad ang ipstick na iyon.

“Anak, wala na lipstick ko. Hindi ko pa siya tapos bayaran,” sabi raw ng ina ni Vice.

Kaya naman ito ang naging inspirasyon ni Vice para magtayo ng make-up brand na abot kaya sa lahat lalo na ng mga momshies anumang estado ng kanilang buhay.

Isa pang dahilan ni Vice ay dahil kayang kaya daw ng isang pashid ng lipstick dagdagan ang kulay ng buhay lalo na ng iyong mukha ano pa man ang iyong nadarama.

“Kahit anong nanay, kahit anong estado sa buhay, mahirap man o mayaman, magkano man ang sweldo, may trabaho man o wala, meron at meron ‘yang lipstick,” paliwanag ng sikat na host ng 'It's Showtime.

“Kahit hirap na hirap na siya sa buhay, kaya ng lipstick magbigay ng kulay sa mukha ng isang babae. Hindi na masyadong nababanaag ang hirap na nararamdaman niya,” dagdag pa niya.

At tinotoo naman talaga ito ni Vice dahil umaabot lamang sa 195PHP hanggang P1,450 para sa isang set na binubuo ng 8 lipstick.

Inalam talaga ni Vice ang kanyang market at talaga namang binibigay lamang niya kung ano ang kinakailangan ng mga ito.

“Because if you don’t give them their money’s worth, edi pinagkakakitaan mo lang sila,” ani Vice.

Araw-araw pa rin nating mapapanood si Vice sa It's Showtime at tuwing Linggo ng gabi naman sa Gandang gabi Vice.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao

Away na 'to! Eric John Salut, binash nang todo matapos tawaging "tamad na Senador" si Manny Pacquiao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel