Silang dalawa lang! Angelica Panganiban at Carlo Aquino, nabuking dahil sa kinasangkutang 'minor car accident'

Silang dalawa lang! Angelica Panganiban at Carlo Aquino, nabuking dahil sa kinasangkutang 'minor car accident'

- Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang video kung saan kita si Carlo Aquino na kausap ang isang traffic enforcer

- Ngunit sa halip na mag-alala ang mga fans ng CarGel ay natuwa pa at kinilig sila

- Marami sa kanila ang natuwa nang malamang silang dalawa lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang isang video kung saan nakikipag-usap si Carlo Aquino sa isang traffic enforcer. Nasangkot sila sa isang minor car accident ngayong Martes, June 26.

Mukhang si Carlo ang nagmamaneho at si Angelica naman ay nakaupo sa passenger seat nang mabangga base sa caption ng aktres.

Tila naman hindi iyon ganun kagrabe dahil nakuha pang kunan ng video ni Angelica habang m,agkausap si Carlo at ang traffic enforcer.

Habang tumatawa ay sinabi ito ni Angelica, "Meron po siyang problema..."

Tinanong din niya ang actor nang bumalik ito sa loob ng ssasakyan, "Anong ginawa mo?"

Sagot naman ni Carlo, Magbabayad lang ako sandali..."

Sa caption ng nasabing video, nakasulat ito:

“Ang usapan, joyride... Bakit tayo nabangga? [laughing with tears emoji] 'etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara!' [peace emoji] #DeserveMoAngFeedPost #TanghalingTapatKasi @jose_liwanag"

Samantala narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens.

Yung nabangga sila pero natutuwa ka pa... haha! Batang 90's magbunyi! @nicquevillariaza @sendraaamhae
ang gwapooo niya huhu
agree... bsta kinikilig ako sa kanila haha
Omg bkit kinikilig ako ng sobra s post mo s fb ❤️❤️❤️#Cargel
hahahhaha omg uiii sila nlng unta
ateeee kainis! Natunaw puso ko sa smile ni Carlo. Nakalimutan ko bigla na broken-hearted nga pala ako
waahha may nagbabalik. Ayiih! Kinilig ako..
Kahit may problema nakangiti kasi kasama nya si @iamangelicap ..ang gaan nyo sa pakiramdam ni @jose_liwanag
guys are so cute together... sana kayo na lang
Omggg gahahahahahaha kinikilig ako!!!
waaaaaaaahhhh omaygaaad ung tingin nya po laglag ang lungs! Hahaha lakas maka-throwback g-mik days!
i'm so much older than you both, but you always made me smile when i see you together
kayo na lang kayo na lang uli @elizile
Juskopo!!!!!!antanda tanda ko na sobrang kinikilig pa!!!!!

Kahit pa sabihing meron silang pelikulang dalawa ngayon, tila malakas ang hatak nila sa tao at marami talaga ang kinikilig sa kanila lalo at alam ng publiko na parehos silang single.

Dahil sa nasabing video ay marami ang nag-iisip na nagkabalikan na nga ang dalawa.

Matatandaang naging magkarelasyon sila sa loob ng anim na taon ngunit naghiwalay sila taong 2006. Sa kabila nun ay nanatili silang magkaibigan at laging magkasama sa mga pamamasyal kasama ang ibang kaibigan.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel