Pitu pa more! Mobile app na patok na patok kahit sa mga artista, may posibleng panganib pala

Pitu pa more! Mobile app na patok na patok kahit sa mga artista, may posibleng panganib pala

- Isang mobile application ang ngayon ay patok na patok ngayon sa mga netizens at maging sa mga artista

- Isa itong app na nagmumukha kang mas payat at mas maganda

- Kaya naman madami ang na ho-hook sa app na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usong-uso ngayon ang Chinese photo-editing app na tinatawag na Pitu na gumagamit ng face recognition technology.

Isinasalin ng app na ito ang mukha ng isang user sa mga template na talaga namang marami ang pagpipilian, mula sa makalumang Chinese na paintings, athletes, manika at kahit mula sa mga sikat na poster ng TV series.

Bujod pa dito ay napapaganda din nito ang litrato dahil napapaliit nito ang mukha, nag-iiba din ang laki ng mata at maraming filters ang nagagamit.

Marahil ay palagi niyong nakikita ang mga Pitu edited pictes na lumalabas sa inyong newsfeed sa social media. Kahit nga mga lokal na artista ya nakikiuso na rin sa Pitu fever.

Isa na dito ang TV host-comedian na si John Lapus na ibinida ang pagiging Chinese goddess niya.

Naging "oppa" din siya sa kanyang mga posts.

Ang kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay biniro ang kanyang mga followers, "May bago po akong pelikula..."

Meron din siyang litrato ng kaniyang asawa na nagmukha silang bida sa Chinese drama series.

Si Aiko Melendez naman ay nagmukhang haponesa sa kanyang post sa Instagram gamit din ang nasabing app.

Hindi din nagpahuli si Carmi Martin na nagpost ng pictures amit ang iba't ibang filters ng Pitu sa kanyang Facebook account.

"Maki-in nga sa Pitu app na yan! Hahaha Happy Sunday."

Kahit ang beteranong aktor na si Pen Medina ay natuwa at nagupload ng higit 40 pictures at ibinahagi sa Facebook ayon sa ulat ng PEP.

Meron nang 10 million na download ang nasabing mobile app ngunit merong babala ang FHM tungkol dito.

"...it requires a lot of information before you can start using it."

And once you install it, it "has access to all the apps that are currently running on your smartphone, your browsing history, and even your bookmarked websites.

Na tatrack din daw nito kapag may tumawag o tumawag ka.

"It also tracks whenever you make a call (and if someone calls you).

"Plus, it has access to your mobile’s microphone for unknown reasons as well."

Gayunpaman, meron ding umanong paraan upang maiwasan ang posibling panganib.

Hindi masama ang mag-enjoy sa mga bagong tuklas na teknolohiya ngunit lagi nating iisipin ang ating kaligtasan kaya ibayong ingat lang po.

Narito ang ilang babala mula sa FHM Philippines.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel