Nasisindak ba? Alex Gonzaga, inamin kung pano siya magreact sa mga bashers

Nasisindak ba? Alex Gonzaga, inamin kung pano siya magreact sa mga bashers

- Aktres at vlogger na si Alex Gonzaga naging totoo pagdating sa paghawak ng mga negatibong komento

- Ibinunyag ni Alex kung ano ang ginagawa niya pag mayroong negative comment tungkol sa kanya

- Inamin ng aktres kung alin ang mas nakakasakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Diretsahang sinagot ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga kung ano nga ba ang kaniyang ginagawa sa tuwing mayroong negatibong komento sa kanya mula sa mga bashers. Inamin ng aktres na paulit-ulit na pagbabasa ng komento ang ginagawa niya kapag may mga komentong hindi maganda tungkol sa kanya. Ito ang kanyang paraan upang hindi maging apektado sa mga sinasabi ng iba.

Ayon sa Pep.ph, inuulit-ulit ni Alex Gonzaga ang pagbabasa ng komento hanggang siya ay maging immune upang hindi masaktan ang kanyang damdamin. Ayon sa aktres, napag isip-isip niya na kung paniniwalaan niya ang mga masasakit na salita ng iba, lalo siyang masasaktan ngunit kung ito ay kanyang babalewalain, hindi siya magiging apektado.

Dagdag pa ng aktres, ang hindi pagsagot sa mga komento ay nakakatulong din mawala agad ang kanyang nararamdaman. Napagtanto din ng aktres at vlogger na pag tahimik lang, mas na-aapreciate ng iba.

Inamin din ng aktres na sumasama ang loob niya kung ang komento ay galing mismo sa mga taong kakilala niya tulad ng kanyang tatay at ate na si Toni Gonzaga.

Si Alex Gonzaga ay isang sikat na Pinay aktres at ngayon ay nakikilala bilang isang vlogger. Umabot na ng isang milyon angkanyang subscribers sa kanyang YouTube channel at mayroon na ding 42 milyon views ang kanyang mga vlogs.

Nais mo bang matuto mag yoga? Huwag mag-alala, mayroon ng tutorial pagdating sa yoga. Panoorin ang Yoga for Beginners video upang malaman kung paano nga ba gawin ang meditasyon na ito. Kung nais mong makatanggap ng mga bagong balita, nakakatuwa at nakakamanghang kwento at bidyos, tumutok lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel