Ang sweet! Luis Manzano at Jessy Mendiola, nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo sa ibang bansa

Ang sweet! Luis Manzano at Jessy Mendiola, nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo sa ibang bansa

- Masayang ipinagdiwang nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang pangawalang anibersaryo

- Tumungo sa bansang Europa ang dalawa upang bigyang kulay ang kanilang espesyal na araw

- Nagtatanong na ang netizens kung kailan ba nila balak magpakasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay lumipad patungong Europa upang ipagdiwang ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan. Ang pagpunta ng dalawa sa ibang bansa ang naging regalo ng aktres sa kanyang nobyo.

Ayon sa Pep.ph, kasalukuyang nasa Europa ang dalawa at doon naisipan na magdiwang ng anibersaryo. Una nilang pinuntahan ang Paris, France at sunod na pumunta sa bansang Italya. Kitang kita sa dalawa ang galak habang magkasamang nagbabakasyon.

Kahit hindi naman magkahiwalay ang dalawa, hindi pa din nakalimutan ni Luis Manzano na mag-post sa kanyang Instagram account ng isang sweet na mensahe para sa aktres. Ayon sa aktor, nagpapasalamat siya sa aktres at nobya sa pagiging the best dive buddy, travel partner, at howhow ng kanyang buhay.

Dagdag pa ng aktor at TV host, nagpapasalamat din siya sa pagpunta ng aktres noong kaarawan niya dalawang taon na ang nakakaraan at sa pagdala sa kanya sa Europa.

Dahil sa pagpunta ng magkasintahan sa ibang bansa, tila napapatanong ang mga tao lalo na ang kanilang mga fans kung kailan na nga ba sila lalagay sa tahimik.

Si Luis Manzano at Jessy Mendiola ay naging magkasintahan noong 2016. Si Luis Manzano ay isang aktor at TV host na kasalukuyang host ng ABS-CBN program I Can See Your Voice. Si Jessy Mendiola ay isang Pinay aktres at huling napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Andrea Collins.

Ang pagdaan sa diborsyo ay isa sa pinakamapait na karanasan sa isang mag-asawa. Nais mo bang malaman kung ano ang reaksyon ng mga tao patungkol sa diborsyo? Panooring ang Divorce: to legalize or not? na video dito lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel