Isa rin siyang henyo! Lisensyadong guro, nakalulungkot na nauwi lamang sa pagiging isang basurero

Isa rin siyang henyo! Lisensyadong guro, nakalulungkot na nauwi lamang sa pagiging isang basurero

- Lisensyadong guro si Tatay Alfredo Manuel na ngayon ay pagala gala na lamang sa Maynila para magbenta ng dyaryo o magbenta ng anumang maari niyang makalakal

- Maraming netizens ang naantig sa kwento ng kanyang buhay, kasama na ang panghihinayang dahil sa angking galing niya sa English at sa Science

- Hiling ng karamihan na matulungan ang matanda na maraming taon ang nasayang dahil lamang sa pag-aakusa sa kanya na magnanakaw, dahilan para di siya matanggap sa mga eskwelahang kanyang ina-applyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakaantig nga naman ang kwento ng matandang si Alfredo Manuel na isa palang guro. Di lang siya isang guro, lisensyado pa siya at talaga namang may angking galing sa English at sa Science.

Nalaman ng KAMI na ngayon ay palakad lakad na lamang si tatay Alfredo sa may Pedro Gil at Taft Ave. Kung di man siya makikitang nagtitinda ng dyaryo, nagpupulot din siya ng mga bagay na maari niyang ikalakal.

Kung titingnan, di mo raw talaga aakalain na isa palang henyo si Tatay Alfredo. Ngunit pag nasimulan mo na siyang kausapin, mamangha ka sa mga malalaim niyang salitang sinasambit na di marahil alam ng ordinaryong tao.

Maging ang si Prof. Benjamin Mangubat ng UP Manila ay nanghihinayang sa angking galing ni tatay Alfredo. Sabi pa ng propesor parang mas marami pa raw alam si Tatay Alfredo kaysa sa kanya. Lubha rin siyang nanghihinayang sa sinapit ng matanda. balak pa raw niya nga itong gawan ng libro dahil sa tunay namang nakakapukaw ng damdamin ang kanyang buhay.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube:

Maka-ilang beses naman daw sumubok na mag-apply ni Tatay Alfredo sa pagiging guro ngunit sa kasamaang palad di raw siya natatanggap. Nalaman na lamang niya na mayroon daw pala siyang diumanong record ng pagnanakaw sa isang paaralang pinasukan niya bilang isang janitor.

Labis itong itinaggi ng matanda at sinabi pang sana ay nahuli o nakulong na siya kung ito man ay totoo. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng kumpiyansa sa sarili na maghanap ng paaralan na tatanggap sa kanya.

Sa ngayon, mag-isa nang namumuhay si Alfredo. Bagaman marami ang nag-aakalang nasayang ang buhay niya dahil sa di naipagpatuloy na propesyon, mananatili pa rin naman siyang isang guro dahil tinuruan niya tayong maging positibo parin sa buhay sa kabila ng di pag-ayon sa atin ng tadhana.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel