Marian Rivera, Regine Velasquez, at Yasmien Kurdi, hands-on mommies pa din kahit busy sa trabaho

Marian Rivera, Regine Velasquez, at Yasmien Kurdi, hands-on mommies pa din kahit busy sa trabaho

- Ibinunyag ng mga sikat na Kapuso mommies kung paano nila alagaan ang kanilang mga anak

- Nagbigay ng pahayag sina Regine Velasquez at Yasmien Kurdi kung anong ginagawa nila para sa kanilang mga anak

- Ipinasilip ni Marian Rivera kung ano ang ginagawa ng unica hija na si Maria Letizia sa murang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng mga Kapuso mommies na sina Regine Velasquez, Marian Rivera, at Yasmien Kurdi ang paraan nila ng pag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Nate, Zia, at Ayesha. Busy man sa trabaho, hindi pa din nakakalimutan ng mga Kapuso stars na maging hands-on moms.

Ayon sa GMA Entertainment, mahigpit si Asia’s Songbird Regine Velasquez pagdating sa pag-aaral ng anak na si Nate. Kinukuha ng Songbird ang iPad ng bata at pinapabasa ng libro upang matuto.

Iba naman ang ginagawa ng aktres na si Yasmien Kurdi kapag ang anak na ang usapan. Bago tumungo ng taping ang aktres, inihahanda na niya ang mga kailangan ng anak na si Ayesha sa eskwelahan. Hindi din nakakalimutan ng aktres na magbigay ng oras sa anak.

Samantala, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay ipinasok ang anak na si Zia sa playschool at sa iba't ibang workshops. Sa ngayon, nag-aaral ng ballet ang unica hijja ng aktres. Dagdag pa ni Marian, dapat laging may oras para sa anak at laging nakagabay dahil nararamdaman ito ng bata.

Sina Regine Velasquez, Marian Rivera, at Yasmien, ay mga sikat na artista ng GMA Network. Sila ngayon ay mga hands-on mom sa kanilang mga anak at mga mapagmahal na may bahay sa kanilang asawa. Si Regine Velasquez ay magiging host ng nalalapit na talent reality show na The Clash. Si Marian Rivera ay nagsisilbing host ng Sunday afternoon show na Tadhana at si Yasmien Kurdi naman ang bida sa drama sa hapon na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Nais mo bang malaman ang saloobin ng mga Pinoy pagdating sa divorce? Panoorin ang Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter dito lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel