Nakakaintriga! $95 na sapatos ni Kate Middleton, limang taon na niyang sinusuot

Nakakaintriga! $95 na sapatos ni Kate Middleton, limang taon na niyang sinusuot

- Marami nga naintriga sa balitang ginagamit ng Duchess of Cambridge ang $95 na sapatos niya sa luob na ng limang taon.

- Hindi lihim sa karamihan umano ang pagiging praktikal ng butihing may bahay ng Duke of Cambridge.

- Kilala raw ito na umaattend sa public events na sinusuot ang parehong mga damit na sinuot na niya dati sa mga previous engagements kaya naman daw hindi ito nakakagulat na balita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon pa sa balita na napag-alaman namin sa 'Fabiosa,' bumibili daw si Duchess of Cambridge Kate Middleton ng mga makatuwirang presyo na mga tatak at tinuturuan din daw umano niya ang kanyang mga anak na ipasa ang mga damit sa isa't-isa pag sila ay lumalaki na.

Kaya naman nakakuha siya ng pag-apruba at paggalang mula sa publiko.

Pero malinaw na mayroon siyang paboritong mga gamit at isa na rito ay ang pares na sapatos na ito na nagkakahalagang $95.

Alam ng Duchess of Cambridge na sa usaping sapatos, importante ang kumportable higit sa lahat.

Pinipili niya ang moccasins para sa mataas na lakaran at nalaman ng KAMI ang brand daw nito ay Sebago's Bala at narito ang limang pagkakataon na sinuot niya ang nasabing sapatos.

5. Charlottetown, Canada, 2011

Sinuot daw niya ito noong bumisita siya at kanyang asawa na si Prince William sa Charlottedown sa Canada na makikita sa litrato sa baba, sa kaliwang picture.

4. Cirencester, England, 2014

Nakita ulit nila na sinuot ito ng Duchess habang bitbit ang anak niyang si Prince George of Cambridge noong baby pa ito.

3. Tetbury, England, 2015

2. Kaziranga, India, 2016

1. St. Martin's, England, 2016

Pinapakita lang ng Duchess of Cambridge na hindi kailangang gumastos ng mamahalin para lang maganda tingnan.

Talaga namang napakaganda at elegante pa rin ni Kate Middleton kahit simple lang suot nito.

Si Catherine Elizabeth Middleton ay pinanganak sa Royal Berkshire Hospital, Reading, England noong January 9, 1982,a t napangasawa ang anak ng yumaong Princess Diana na si Prince William.

Naging miyembro na siya sa British Royal Family at ngayon ay tinatawag na sila na Duke and Duchess of Cambridge at mayroon na silang tatlong anak na sina Prince George of Cambridge, Princess Charlotte of Cambridge, at Prince Louis of Cambridge.

At sa ibang dako, tinanong namin ang taong bayan kung payag ba sila e legalize ang divorce sa bansa, panoorin ninyo sa babang video ang kanilang mga sagot.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel