Brokenhearted na Cebuana, nakabawi sa pag-ibig nang mahanap ang 'Vin Diesel' ng buhay niya

Brokenhearted na Cebuana, nakabawi sa pag-ibig nang mahanap ang 'Vin Diesel' ng buhay niya

- Binahagi ni Angelica Libodlibod kung paano niya nahanap ang tunay na pag-ibig dahil lamang sa online dating site

- Inakala pa ni Bryan Howell na scammer o bakla si Angelica na noon ay di pa nagpapakita ng mukha sa kanya

- Nakuha agad ni Angelica ang basbas ng kanyang mga magulang para sila ay magpakasal na ni Bryan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakakilig ang love story na binahagi ni Angelica Libodlibod kung saan di niya inaasahan na makakabangon pa siya mula sa panloloko na ginawa sa kanya ng taong lalaking una niyang minahal.

Nalaman ng KAMI na nakilalani Angelica si Bryan Howell sa isang online dating site. Noong una, inakala pa ni Bryan na isang 'scammer si Angelica dahil di ito nagpapakita ng kanyang mukha o anumang larawan.

Noong nakita naman ni Angelica si Bryan, di siya makapaniwala na ganoon ka-gwapo si Bryan. Ala 'Vin Diesel' daw ang aura nito.

"Nakita ko 'yung profile niya. Ang taas-taas ng description niya. Businessman [daw] siya," kwento ni Angelica sa Kapuso mo, Jessica Soho.

Narito ang video ng kanilang kwento na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Aminado si Angelica na malapit ang kanyang puso sa mga foreigners, kahit pa ang huli niyang naka-relasyon na foreigner ay niloko lamang siya,sinugal pa rin niya ang kanyang puso kay Bryan.

Diborsyado na si Bryan at mayroon na siyang 4 na mga anak. Isang araw na siya naghahanap ng kausap online, nakilala niya si Angelica. Nakitaan niya agad ito ng "certain level of maturity."

"When I started chatting with her (Angelica), I saw a certain level of maturity, we connected, we clicked"

Nami-miss daw nila ang isa't isa sa mga panahong di sila nagkakausap. At matapos ang ilang buwan na pag-uusap sa internet, nagpasya na si Bryan na lumipad mula Florida patungong Cebu para makita at makasama na si Angelica.

"When I saw her, everybody else disappeared. Any of the distraction, it was all gone. I was so focused on her," kwento ni Bryan tungkol sa una nilang pagkikita ni Angelica sa airport pa lang.

"Speechless ako sa airport. Ang guwapo naman, ang puti," kinikilig na sabi ni Angelica.

Bongga ang naging proposal ni Bryan kay Angelica sa labas ng isang mall sa Hongkong.

"Nanginginig talaga ako nun kasi, before I said yes, nag-ask talaga ako sa kanya. 'Did you ask permission to my parents?' And he said, 'Yes, it's all done,'" ani Angelica.

Dagdag pa ni Bryan, natagpuan daw niya ang kanyang soulmate sa katauhan ni Angelica.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel