Dinala ni Jackie Forster sa Pinas ang pamilya nya para makabonding kina Kobe at Andre

Dinala ni Jackie Forster sa Pinas ang pamilya nya para makabonding kina Kobe at Andre

- Ika pa nga ni Jackie Forster, "Home is where the (heart emoji) is" at dagdag pa ng aktres para sa kanya dawalang piraso sa puso niya ang nasa Pilipinas at iyon na nga ay anak niya sa dating asawa na si Benjie Paras.

- Kamakailan nga ay natuwa ang online world sa pagkaka-okay ng mga anak ng dating baskebolista sa ina nila na dating aktres.

- Ngayon naman ay dinala ni Jackie Forster ang buong pamilya, ang mister niya at ang tatlong napakacute na mga anak para makabonding din ang dalawang kuya nila na sina Kobe at Andre Paras.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakita namin ang nasabing balita sa 'Fashion Pulis' kung saan binahagi nito ang mga Instagram snaps ni Jackie Forster kasama ang kanyang pamilya na nasa bansa.

Naispatan din ng KAMI ang nasabing mga cute at sweet snaps at may video pa sa pagbisita ni Jackie Forster kasama ang kanyang bagong pamilya at isa sa anak niya kay Benjie Paras na si Kobe Paras.

Tila busy yata si Andre Paras sa shooting nito at hindi pa nakikita sa mga pictures na pinost ni Jackie sa Instagram.

Si Kobe naman ay tila ilang ulit na bumalik at may ibang kasama pa siya sa pagbalik niya at enjoy na enjoy ang isang lalaking anak ni Jackie na si Yohan.

Binisita ni Koko Paras ang kanyang mga kapatid at mommy sa hotel kung saan sila nagstay, ayon na din sa litrato at caption ni Jackie.

Kagabi din ay sinamahan ni Kobe Paras ang mommy niya at mga kapatid niya para kumain ng dinner sa isang Japanese restaurant.

At dahil nga din wala si Andre Paras sa mga pictures ng mag-iina, napatanong ang mga netizens kung nasaan si Andre Paras.

"Where is Kuya Andrei?"
"Where is @andreparas ..god bless you & your family ma'am @jackie_forster ganda ni baby girl at ang gwagwapo @_kokoparas jared & yoyo"
"Where’s Andre?"
"hope to see kuya Andre joining you guys nxt time..."
"wheres the other kuya ? "
"Asan po c @andreparas madam jacky"

May isa namang netizen ang tila sumagot sa mga katanungan ng maraming fans.

"Kobe is the sweetest, (heart)always find time for his younger sibs.(heart) Andre must be very busy, hoping to see him next..."

Si Jackie Forster ay dating aktres sa Philippine showbiz at naging unang asawa ng dating basketbolista na si Benjie Paras.

Ang kanilang pagmamahalan ay binayayaan ng dalawang gwapong lalaki na sina Kobe at Andre Paras.

Ngayon, may sarili na silang pamilya ni Benjie at pareho naman silang masaya.

Sa ibang dako, tingnan ang sagot ng ating kababayan sa tanong kung gawing legal ang divorce sa bansa, papayag ba sila?

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo

Robin Padilla, may matapang na pahayag laban sa pag alis ng wikang Filipino sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel