Nagbreakdown talaga siya! Mariel Rodriguez, nagpaalam kung puwede 3 beses na lang pumasok sa It's Showtime dahil sa anak

Nagbreakdown talaga siya! Mariel Rodriguez, nagpaalam kung puwede 3 beses na lang pumasok sa It's Showtime dahil sa anak

- Ibinahagi ni Mariel Rodriguez ang naging karanasan niya noong unang araw niyang iwan ang anak na si Isabella

- Kinailangan niyang gawin iyon dahil bumalik na siya sa It's Showtime

- Iniyakan daw niya ang video na ipinadala sa kanya kung saan kinakatok siya ni Isabella sa kanyang kwarto dahil akala niya naroon daw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mahirap para kay Mariel Rodriguez na mag adjust noong bumalik siyang muli sa kanyang trabaho.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, hindi napigilan ni Mariel ang umiyak matapos muling mapanood ang video ng kanyang anak na kumakatok sa pintuan ng kanilang kuwarto sa pag-aakalang natutulog lang siya.

Ayon kay Mariel, yung video na iyon ay kinuhanan noong unang araw na pumasok siyang muli sa It's Showtime.

"What happened siyempre kasama ko si Isabella together-forever kami since nasa tiyan ko siya. Kasi kapag umaga nagigising kami, pinapalitan ko siya ng diaper, binibigyan ko siya ng milk, nire-ready ko siya. Tapos natutulog ako ulit. So, ang alam niya nasa room ako. So, noong unang araw na umalis ako for work, nagpadala ng video ang yaya sa akin na kumakatok si Isabella sa door ng bedroom kasi akala niya natutulog lang ako," emosyonal niyang paglalahad.

Hindi daw niya napigilang umiyak sa hallway ng ABS-CBN.

"Iniyakan ko 'yon. Para akong sira-ulo sa hallway ng ABS-CBN. Nagbi-breakdown ako roon. Umiiyak ako talaga. Kasi siyempre wala siyang kaalam-alam, hindi niya alam na 'yung mommy niya ay umalis parang iniwan siya."

Dahil umano sa video na iyon ay napagdesisyunan niyang magpaalam sa pamunuan ng "It's Showtinme" na kung maari ay tatlong beses sa isang linggo na lang siya pumasok.

"Nagpaalam ako kung puwede three times a week na lang ako mag-'Showtime.' After the video, kasi para talagang nadurog 'yung puso ko," saad niya.

Napanatag din umano siya nang pinayuhan siya ng isang boss ng It's Showtime at nang mapawi na ang kanyang naramdaman nang makauwi na siya.

"Pagdating ko, nakita ko na okay si Isabella. Together-forever na ulit kami. Tapos napaliguan ko siya, napatulog ko siya. 'Yung nakapag-bonding kami ulit. Okay naman pala, kaya naman pala...," ani Mariel na ipinanganak si Isabella, anak nila ni Robin Padilla, noong 2016 sa Estados Unidos.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain

Miss Universe finally releases decision on eligibility of transgender woman Angela Ponce of Spain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel