Bumwelta ng resbak si Jed Madela sa mga bashers ni Darren Espanto

Bumwelta ng resbak si Jed Madela sa mga bashers ni Darren Espanto

- Kamakailan lang ay inulan ng batikos si Darren Espanto dahil sa kanyang duet performance kasama si Jed Madela sa 'It's Showtime.'

- Ayon pa sa mga fans, tila daw basag ang boses ng binatang singer sa duet nila ni Jed sa nasabing noontime show na sinabayan din naman ng ibang mga bashers.

-Dahil dito ay hindi na nakatiis ang 'Your Face Sounds Familiar' mentor/judge at nagtweet ito ng mga sagot sa mga tweets ng ibang fans tungkol sa pinag-uusapan na duet at pinagtanggol nito ang nakakabatang artist.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila ng bumwelta ng resbak ang 'first Filipino to win the World Championships of Performing Arts title' na si Jed Madela sa mga batikos at di kaaya aya na mga pangbabash ng ilang mga netizens sa produkto ng 'The Voice Kids Philippines' na si Darren Espanto.

Ayon pa sa balita na nasagap namin mula sa 'Push,' pinagtanggol ng batikang singer ang pausbong at sumisikat na binatang singer sa mga banat ng mga bashers laban sa kanya.

Sa napag-alaman ng KAMI at sa nakit din naming mga tweets ni Jed, todo buwelta siya sa mga naninira sa isa sa kanyang mga pinakamatalik na kaibigan sa showbiz.

Pahayag pa ni Jed Madela sa kanyang reply sa isa sa mga netizens na binahagi din daw na may sakit si Darren noong panahon na iyon:

"Don't mind the bashers. They can never come close to Darren's voice even if they were sick. Nag-iisa lang si D."

Dagdag pa ni Jed sa isang sagot sa isang tweet:

"He could have asked to lower it, but no, he is a trooper! Hindi madali mag perform na may sakit,"

Sambit pa niya na palagi siyang magiging proud kay Darren Espanto.

At dugtong pa niya sa isang tweet na isa sa Darren sa kanyang paboritong singing partners.

Pero bumwelta din siya sa mga bashers sa kanyang reply sa mga tweets ng netizens.

At may pahabol payo siya sa mga tagahanga ni Darren Espanto na may parinig din sa mga bashers.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagduet sina Jed Madela at Darren Espanto.

Pareho ang dalawa na produkto ng singing competition.

Si Jed ay ang kauna-unahang Pinoy na nanalo sa "World Championships of Performing Arts" at si Darren Espanto naman ay isa sa mga unang finalists sa first season ng 'The Voice Kids Philippines' kung saan ang mga coaches ay kinabibilangan ng mga Pinoy worldclass performers na sina Broadway Diva at Tony best actress na si Ms. Lea Salonga at 'Black-eyed Peas' na si Apl de Ap.

Sa ibang dako, tingnan ang sagot ng ating mga kababayan tungkol sa tanong kung okay ba sila na gawing legal ang divorce sa bansa.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel