Maselan daw ang pagbubuntis! Ellen Adarna, hindi dumalo sa hearing dahil sa advice ng kanyang doktor

Maselan daw ang pagbubuntis! Ellen Adarna, hindi dumalo sa hearing dahil sa advice ng kanyang doktor

- Nagpaliwanag ang kampo ni Ellen tungkol sa hindi pagsipot ni Ellen Adarna sa hearing

- Ito ay kaugnay sa reklamong isinampa sa aktres na Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse

- Matatandaang lumikha ng ingay ang “paparazzi” issue na kinasangkutan ng aktres at ng isang menor de edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa kampo ni Ellen Adarna, kaya hindi nakasipot ang aktres ay dahil sa ipinagbawal daw ng kanyang doktor ang bumiyahe siya dahil sa maselang pagbubuntis nito.

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi dumating si Ellen sa preliminary hearing ng reklamong Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Myra at Roel Santos, ang mga magulang ng menor de edad na sangkot sa kaniyang paparazzi issue.

Ayon kay Atty. Rebo Saguisag, ang legal councel ni Ellen,

“Ayun na nga, may medical certificate, advised against any form of travel. Parang may binanggit dun na under normal fetal weight. Magaan yung bata masyado. Again, hindi pinapabiyahe ang aming kliyente. And as you know, she's still in mourning after the death of the father.”

Anak ni dating Senator Rene Saguisag si Atty. Rebo Saguisag.

Kasama rin ni Atty. Saguisag ang dalawa pang legal counsels ni Ellen na sina Atty. Reggie Ukol at Atty. Des Ukol.

Kasalukuyang nasa Cebu si Ellen kasama ang kanyang pamilya at matatandaang pumanaw ang kanyang ama nitong buwan lang.

Umapelang muli ang kampo ni Ellen na i-reset ang hearing sa July 9.

Disappointed din ang kampo ng nagrereklamo dahil sa muling pagpapa reset nila ng hearing.

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Lumitaw siya sa ilang mga covers ng magazine.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel