Bishop David, magalang na sinagot ang mga banat ni Pangulong Duterte sa Diyos at sa Bibliya

Bishop David, magalang na sinagot ang mga banat ni Pangulong Duterte sa Diyos at sa Bibliya

- Ininsulto ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Diyos ng mga Kristiyano at ang Bibliya

- Magalang na sinagot ito ni Bishop Pablo Virgilio David

- Ipinaliwanag niyang hindi dapat literal ang pagbasa sa aklat ng Genesis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bishop Pablo Virgilio David, ang Obispo ng Kalookan, ay sumulat ng sagot sa mga banat ni President Rodrigo Duterte laban sa Diyos ng mga Kristiyano at sa Bibliya.

Nalaman ng KAMI na sinabi ni Bishop David na ang tinutuligsa ng Pangulong Duterte ay ang sarili lamang niyang interpretasyon ng Bibliya at hindi ang sinasampalatayan ng Simbahang Katoliko.

Inilathala ang pahayag ng Obispo sa Rappler.com.

“Ang binatikos ng Pangulo ay ang sarili niyang interpretasyon sa Bibliya. Hindi naman ganoon ang turo ng pananampalatayang Katoliko. Sigurado akong hindi ganoon ang turo sa catechism ng mga religious education teachers ng Ateneo at San Beda,” sabi ng Obispo.

Ayon sa Pari, literal ang naging pagbasa ng Pangulo sa aklat ng Genesis kaya niya tinawag na “stupid” ang Diyos.

“Yung paraan ng interpretasyon ng Pangulo ay may pagka-fundamentalist. Napakalayo tuloy sa ibig ipahiwatig ng malalim na palaisipan na nakapaloob sa salaysay ng Genesis Chapter 3.

“Tungkol ito sa taong nilikhang malaya ng Diyos at may kakayahang gamitin ang kalayaan sa mali. Palaisipan nga kasi ang kuwento. Alam din ng manunulat na walang ahas na nagsasalita sa totoong buhay. (The text is literary, not literal.)

“Matalinghaga ang lengguwahe niya. Wala ring sinabi ang Bible na nilikhang ‘perfect’ ng Diyos ang mundo. Hindi rin sinabi na pinadala ng Diyos ang ahas para tuksuhin si Eba…”

“Ang kasalanan ay hindi lang tungkol sa pagkain ng isang bawal na bunga (wala ring binabanggit na mansanas sa kuwento) na nagdulot daw ng malisya. Ito'y may kinalaman sa pagnanasa ng tao na ‘maging katulad ng Diyos,’ o ‘magdiyos-diyosan…’

“Dito madalas natutukso at nahuhulog ang tao. Ganito ang nangyayari sa taong nahuhumaling sa kapangyarihan. Imbes na matulad sila sa Diyos, mas lalong nalalayo sa anyo ng Diyos.

“Itong karupukan na ito ang taglay nating lahat sa ating pagkatao…

“Ang bagong Adan para kay St Paul ay si Hesus.”

Ito naman ang pahayag ng Obispo ukol sa pang-iinsulto ng Pangulo sa Simbahan:

“Meron naman talagang mga makasalanan sa Simbahan, pero meron ding nabubuhay sa tunay na kabanalan at kabutihan. Ang mga nang-aabuso ay dapat papanagutan. Pero hindi tama na kundenahin ang buong Simbahan sa pagkakasala ng ilan.

“Paano siya magiging Pangulo para sa lahat ng Pilipino kung wala siyang paggalang sa mga mananampalatayang Katoliko?

“Karamihan sa supporters niya ay Katoliko din, 'di ba? Igagalang naman siya ng mga Katoliko kahit hindi siya sumang-ayon sa pananampalatayang Katoliko. Pero ang hindi pagsang-ayon ay hindi lisensya para mang-insulto.

“Iginagalang ng mga Katoliko ang tungkulin ng Pangulo, at ang mandato niya bilang Pangulo. Sana igalang din niya ang mga Katoliko kahit hindi siya sumang-ayon sa doktrina ng Katoliko.”

Si Rodrigo Roa Duterte ay ang panglabing-anim na Presidente ng Pilipinas at kauna-unahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging presidente ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Naniniwala ang KAMI na hindi natin dapat insultuhin ang relihiyon ng mga hindi natin kapananampalataya!

The Philippines is the only country in the world which still outlaws divorces. So today we are going to ask people the very important question: Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel