PWD, 'cumlaude' sa UP sa tulong ng kanyang mga magulang na maghapong nakaalalay sa kanya araw-araw

PWD, 'cumlaude' sa UP sa tulong ng kanyang mga magulang na maghapong nakaalalay sa kanya araw-araw

- Nagtapos bilang 'cumlaude' si Alexander Michael Bautista, isang PWD na nag-aral sa UP

- Sa tulong ng kanyang mga magulang na araw-araw niyang kasa-kasama sa unibersidad, nakapagtapos si Miggy ng kursong Business Administration

- Maging ang komunidad ng UP ay naging nahagi ng tagumpay ni Miggy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa 4,600 na nagsipagtapos sa kanilang batch sa Unibersidad ng Pilipinas, Isa si Alexander Michael Bautista o mas kilala bilang si 'Miggy' na 'cumlaude' sa kursong Business Administration.

Nalaman ng KAMI na napakalaking bahagi ng kanyang tagumpay ang kanyang mga magulang at maging mga tao sa komunidad ng UP.

PWD, 'cumlaude' sa UP sa tulong ng kanyang mga magulang na maghapong nakaalalay sa kanya araw-araw

image: inquirer.net

Ayon sa panayam ng Inquirer kay Miggy, di raw ito makapaniwala na siya ay makakapagtapos na unibersidad.

“Who would have thought I would graduate, and from UP Diliman no less?” wika ni Miggy.

Dalawang taong gulang pa lamang siya nang siya ay kakitaan ng spinal muscular atrophy (SMA) na nakaapekto sa kanyang paggalaw. Sa kasamaang palad, wala pang lunas ang kanyang kondisyon.

Ngunit di naging balakid ang kanyang kondisyon sa mga nais niyang makamit.

5:00am, ihahatid na si Miggy ng kanyang mga magulang mula Montalban Rizal hanggang UP. Aabutin na agad sila ng 2 oras sa biyahe.

Maghapon na nila itong aalalayan gamit ang kanyang wheelchair sa paglipat lipat nito sa iba't ibang gusali ng kanyang klase.

In the absence of facilities for persons with disabilities (PWDs), we gained many friends instead,” kwento ng ina ni Miggy na si Soledad.

“But we felt everyone’s compassion, “We were never ignored when we asked, although Miggy was also not treated as if he needed special attention,” emosyonal na binahagi ni Gabriel, ang ama ni Miggy.

Security guards, utility and maintenance personnel, teachers at maging dumadaang “sorbetero,” ay tumutulong sa pagbuhat, pag-akyat baba ng wheelchair ni Miggy.

Minsan pa nga daw, napapagkamalang driver at caretaker ni Miggy ang kanyang mga magulang dahil sa maghapon niya talaga itong kasama sa unibersidad.

PWD, 'cumlaude' sa UP sa tulong ng kanyang mga magulang na maghapong nakaalalay sa kanya araw-araw

image: inquirer.net

Di naging madali sa mga magulang ni Miggy ang ganitong routine dahil sa kinakailangan din naman nilang magtrabaho at may dalawa pang kapatid si Miggy na kailangan din nilang intindihin.

Bilang pamukaw oras, minsan ay dumadalo sila ng mga seminar at conferences sa UP at nakaranas pa raw silang makisama sa mga rally.

“We even attended rallies and learned about social issues and human rights, we learned the stories of the vendors and several students we met. We really feel as if we were part of the UP community.”

Ramdam nila na para rin silang nagtapos sa pag-graduate ni Miggy.

Nakakatuwang nagbunga ang paghihirap at pagsusumikap ng kanilang pamilya dahil nagtapos si Miggy bilang 'cumlaude' sa kurso niyang Business Administration.

Are you in favor of legalizing divorce in the Philippines? Legalizing Divorce: What Do People Think About It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel